Dennis Trillo, sa Maldives nag-celebrate ng birthday kasama si Jennylyn Mercado

Dennis Trillo, sa Maldives nag-celebrate ng birthday kasama si Jennylyn Mercado

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado At The Beehive Hotel In Maldives
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado At The Beehive Hotel In Maldives

Bongga ang pa-birthday ni Dennis Trillo sa sarili.

Kasabay ng magandang review ng publiko sa bago niyang teleserye sa GMA 7 Kapuso Network na “Juan Happy Love Story” nila ni Heart Evangelista na nagsimula last Monday, Dennis celebrated his birthday with no less than Jennylyn Mercado sa exotic and romantic paradise called Maldives na matatagpuan sa gitna ng Indian Ocean.

Sa isang IG posting ng isang Pinoy Overseas Worker na namataan ang dalawa, nagpaunlak naman sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na magpakuha ng picture sa isang kababayan sa Beehive Hotel, kung saan doon naka-check-in ang dalawa.

Kung maaalala n’yo pa, both Den and Jen ay nature lover. Mahilig silang mag-scuba diving at saliksikin ang nature sa ilalim ng karagatan, kaya swak sa kanila ang birthday bakasyon ng aktor.

Kaya ang mga miron at tsismoso sa social media were asking, aside from love nina Den at Jen ang underwater, how about ang pag-e-explore kaya nila sa isa’t isa?

Happy for Den dahil tila natagpuan na niya si Miss Right sa katauhan ni Jen.

Kung maalala pa noon, hindi naging maganda ang kinauwian ng relasyon ng dalawa na nauwi sa hiwalayan. Now na nag-mature na sila, hopefully tuluy-tuloy na ito para sa dalawa.

Hindi na rin naman mga bata ang dalawa and both are looking for a stable relationship at magbuo na rin ng kanilang pamilya.

Since naging okey ang dalawa mula nang nagkabalikan sila (yes, no labelling ang tawag sa pagmamahalan nila), okey na rin naman siguro na silang dalawa ang magkatuluyan.

And speaking of Dennis’ new teleserye, napanood namin ito last night (Tuesday episode). Like ko ang serye. Sexy ng romcom nila ni Heart. Funny and naughty nga ang dating sa amin ng mga karakter nila sa “Juan Happy Love Story”.

Reyted K
By RK VillaCorta