Dennis Trillo, posible raw ma-in love kay Kris Bernal

ADVERTISING

Dennis Trillo, posible raw ma-in love kay Kris Bernal

Dennis-TrilloNAKORNER NAMIN si Dennis Trillo sa presscon ng pinakabago at pinakamalaking telersye ng GMA 7, ang Hiram Na Alaala, kung saan first time nilang magtatambal ni Kris Bernal at tinanong namin siya kung posibleng ma-in love siya sa kanyang bagong leading lady.

ADVERTISING

“Hindi natin masasabi pero bakit hindi? Maganda si Kris, mabait at single siya,” sabi ni Dennis.

Kumusta si Kris bilang bagong kapareha niya?

“Okey naman. We get along well. Mabait siya like I said, at mahusay na artista. Mahusay umarte,” sagot ni Dennis.

ADVERTISING

Hindi kaya magka-debelopan silang dalawa since pareho silang loveless?

“Ang aga naman, pero tingnan natin,” nakangiting sabi ni Dennis.

Ano kayang meron si Kris na meron sina Jennylyn Mercado, Carlene Aguilar, Cristine Reyes at iba pang naging GF niya para mahulog siya rito?

“‘Wag na nating pag-usapan ‘yung nakaraan… tapos na ‘yun, eh. Hehehehe… move on na tayo… matagal na ‘yung mga dati at kapag tapos na, hindi na binabalikan ‘yun. Malalaman naman ninyo agad eh, ‘pag may bagong mangyayari sa akin o sa amin ni Kris… hehehehe!” pilyong hirit pa ni Dennis.

Magsisimula na sa September 22 ang Hiram Na Alaala, kung saan kasama rin nina Dennis, Kris at Rocco Nacino sina Lauren Young, Jackie Lou Blanco, Lotlot de Leon, Allan Paule, Dexter Doria at marami pang iba sa direksyon ni Dominic Zapata na siya ring nagdirek ng pinakahit na seryeng My Husband’s Lover.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING