Dennis Trillo, pinagtawanan ang isyung buntis si Jennylyn Mercado

ADVERTISING

Dennis Trillo, pinagtawanan ang isyung buntis si Jennylyn Mercado

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

Binigyang-linaw ni Dennis Trillo ang issue na buntis raw si Jennylyn Mercado. Hindi raw totoong buntis ang actress. Natawa na lang daw silang dalawa nang mabalitaan nila ito. Hindi na lang nila pinansin ang issue. Alam nila ni Jennylyn ang totoo.

ADVERTISING

Happy ngayon sina Dennis Trillo at Jen sa relationship na mayroon sila. Kahit walang pag-amin sa totoong status ng kanilang love relationship. It shows na masaya at maligaya sila sa takbo ng kanilang career at personal life.

Parehong hindi nawawalan ng TV project sina Jennylyn at Dennis sa GMA 7. Malapit nang magsimula ang bagong rom-com ng actor na “Juan Happy Love Story” with Heart Evangelista. Isang playboy na hindi naniniwala sa kasal ang magiging papel ni Dennis sa upcoming show ng Kapatid network.

Naniniwala si Dennis na kapag sila ni Jennlyn Mercado ang itinakda, mangyayari ‘yun . Ipinauubaya niya sa Itaas kung sino ang makasasama nito habang buhay. Tulad ng relationship nila ni Jen, walang commitment sa isa’t isa. Ini-enjoy lang nila, walang direksyon kung saan papunta ang kanilang relasyon. Pero binibigyang halaga ni Dennis ang lahat ng nangyayari sa kanila ngayon ni Jennylyn, kaya lang walang expectation.

ADVERTISING

Kung dumating ang panahong si Jen ang mapalad na babaeng magiging kabiyak ni Dennis, sasabihin ng puso niya, siya na nga…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING