Dennis Trillo, nakatikim kay Direk Joel Lamangan?! – Joey Sarmiento

ADVERTISING

Dennis Trillo, nakatikim kay Direk Joel Lamangan?! - Joey SarmientoDennis Trillo, nakatikim kay Direk Joel Lamangan?! - Joey SarmientoISANG TAUHAN NI Imelda Papin ang nagsabi sa amin, hindi raw nabayaran ng sapat si Melissa Manchester para sa pangalawang subok ng kanilang concert kaya hindi na naman daw ito natuloy.

Bukod du’n, hindi raw talaga maibenta ang ticket ng kanilang concert kaya kinansela na lang ang kanilang show kesa sa mapahiya at umalug-alog ang kanilang venue dahil sa walang manonood.

ADVERTISING

Hay, naku! Si La Papin naman kasi, nagpupumilit bumalik sa eksena, e, alam naman niyang wala na siyang market ngayon, kahit na ‘sang linggong pakiusapan pa ang kanyang gawin… pwamis!!!

NAKAPANGHIHINAYANG SI JANNA Dominguez, ang dating stand-up comedian na muntik nang magwagi sa Pinoy Fear Factor ng channel 2 noon.

Hindi kasi siya nabibigyan ng magandang break sa Kapamilya Network samantalang kulang sila sa mga hot and sexy star na talagang marunong umarte.

ADVERTISING

Wish lang namin, hindi sana siya ma-frozen delight gaya ng ibang mga artista ng channel 2 dahil kung hindi, e, hindi na rin kami magtataka kung mag-alsa balutan siya sa network kung saan siya nagsimula.

Aba, kung sakali, prized catch si Janna, huh! Kahit na itanong n’yo pa sa composer na close sa Pambansang Kamao… joke!!!

NU’NG UNA, MARAMING mga doomed prophets sa showbiz ang nagsasabing hindi magtatagal sa ere ang Juicy sa TV5. Mahihirapan daw kasi silang kumuha ng celebrity guests at siguradong hindi raw nila maii-scoop-an ang mga dambuhalang showbiz talk shows sa dalawang malalaking networks.

But look, taon na ang binilang at nandiyan pa rin ang Juicy. Hindi pa rin natitibag at isa ito sa mga top raters ng TV5. Congrats to the hosts, Alex Gonzaga and IC Mendoza for a job well done!

Welcome sa kanilang programa ang lahat ng talents galing sa Kapuso at Kapamilya. Pero true kaya ang nakarating sa aming balita na naghigpit na ngayon ang channel 7 sa pagpapahiram ng talents?

Threatened na ba ang Christian Network kaya may ganu’ng drama silang pinaparamdam sa Juicy? Hmmm…..

SA ISANG EKSENA sa Mano Po 6, napagalitan daw nang husto ni Direk Joel Lamangan si Dennis Trillo dahil ayaw raw niyang ibigay nang todo ang kanyang acting lalo na sa mga eksena nila ni Heart Evangelista.

Ang sabi, hindi raw nakatulog si Dennis dahil first time daw niyang napagalitan ng isang direktor.

Knowing Direk Joel, hindi naman kasi nakalulusot sa kanya ang mga acting na hilaw at wala siyang pakialam kahit na sinong artista pa ang involved dahil siguradong mapapagalitan niya, kahit na itanong n’yo pa kay Allen Dizon na napagalitan din niya nang husto sa pelikulang Dukot.

Teka. Hindi kaya type lang ni Direk Joel si Dennis kaya siya nagpapapansin dito?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING