Dennis Trillo, nagyayabang sa awards?

ADVERTISING

Dennis Trillo, nagyayabang sa awards?

Dennis-TrilloSUNUD-SUNOD ANG suwerte ni Dennis Trillo.

Matapos mapiling Best Actor sa katatapos na Golden Screen Award for his portrayal of a beki love in My Husband’s Lover ay muling itinanghal na magaling na actor si Dennis sa 12th Gawad Tanglaw ng Colegio de San Juan de Letran.

Excitedly, he posted his trophy sa kanyang Instagram account. Kaya lang, parang meron siyang pinatutsadahan sa kanyang caption which read: “Ang Award, Pinaghihirapan, Hindi Binibili! O ayan pa! Maraming Salamat Sa Collegio San Juan de Letran 12th Gawad Tanglaw 3-12-14.”

We noticed na ang yabang-yabang ng dating ng kanyang message, ha, parang walang sense of humility.

ADVERTISING

Ang pinatutsadahan kaya ni Dennis ay ang isang award-giving body na naging controversial dahil meron diumanong nangyaring bayaran at dayaan?

Sagutin mo nga ito, Dennis.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING