Dennis Trillo, nagsalita sa isyung hiwalay na umano sila ni Jennylyn Mercado

ADVERTISING

Dennis Trillo, nagsalita sa isyung hiwalay na umano sila ni Jennylyn Mercado

Dennis Trillo
Dennis Trillo

Ikinagulat ni Dennis Trillo ang balitang hiwalay na sila ni Jennylyn Mercado. Masaya raw sila ngayon ng actress kaya nagtataka siya kung saan nanggaling ang balitang hiwalay na sila.

Nagsimula raw ‘yun nang mag-post ang isang fan na nagbura sila ni Jen ng mga pictures sa kani-kaniyang Instagram accounts at tapos ay may short message pang ipinost si Jen.

Ayon pa kay Dennis, hindi raw talaga sila mahilig ni Jen mag-post sa Instagram. Paminsan-minsan lang kapag wala silang ginagawa. At hindi rin raw mahilig si Dennis magbura ng picture.

Naipagtapat tuloy ni Dennis na kapag nakipag-break raw siya sa girlfriend ay hindi niya nakagawian na tanggalin ang larawan ng ex-girlfriend. Katunayan, hanggang ngayon daw ay mayroon pa rin siyang larawan ng nakarelasyon.

ADVERTISING

So, walang katotohanang naghiwalay sila ni Jen at lalong walang nangyaring tampuhan?

Na-misinterpret daw sa social media. Pawang imahinasyon lang daw. Kaya ngayon, mas gusto raw nila ni Jen na maging pribado ang tungkol sa kanilang relasyon.

Kapag libre raw sila pareho ay out-of-town or out-of-the-country ang drama nila.

Nahingan si Dennis Trillo ng reaction sa hindi pagpirma muli ng kontrata ni Jen sa GMA 7. Kung okey lang ba sa kanya kung lilipat ng network ang actress?

Sabi ni Dennis, kung siya raw ang masusunod, mas gusto niyang Kapuso pa rin si Jen para magkasama sila. Pero kung saan daw masaya si Jen, igagalang niya dahil hangad niya lagi ang kasiyahan nito.

Samantalang tinawanan lang ni Dennis ang naglabasan na nasingitan na ni Nadine Lustre si Jennylyn Mercado sa pagiging number one sexiest sa isang men’s magazine.

No big deal daw sa kanya ‘yun, lalo na kay Jen na naging Sexiest Pinay na last year.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING