Dennis Trillo, nagpapaka-good boy para iwas-intriga

Dennis-TrilloHINDI KO maalala kung kailan ko huling nakita si Dennis Trillo. Kung tama ang hinala ko, doon sa presson ni Mother Lily ng MMFF 2014 entry niya na SRR noong December. Guwaping si Dennis. Always naka-smile kaya ang gaan sa loob dalhin. Good vibes, ‘ika nga. Walang kanegahan.

Nang mag-check ako ng mga lumang postings ko sa FB, naalala ko ‘yong picture na kuha namin. Presscon ‘yun ng pelikula nila ni Maja Salvador sa Star Cinema. ‘Yun pala ang last meeting namin ni Dennis. Ilang buwan na rin pala ‘yun.

Pero ang latest ay sa media launch ng bago niyang teleseryeng My Faithful Husband mula sa Kapuso Network na magsisimula na next week, August 10. Always swabe si Dennis. Cool na cool kapag sinasagot ang mga tanong sa kanya na kapag alam niya na masusukol siya at nakaiintriga ay mayroong technique ang aktor at sasagutin ka na lang niya na pahapyaw at sabay ngingiti sa ‘yo at tingin sa mga mata mo na siyempre mako-conscious ka.

Tanong namin sa kanya kung nagkabalikan ba sila ng former girlfriend niyang si Jennylyn Mercado na kapareha niya sa teleserye, ngumiti lang siya at sabay tingin na tila gustong ipahiwatig na “good boy” siya.

Nagkabalikan nga ba sila ni Jennylyn na mula nang magtagpo sila sa Balesin Island (aksidente lang daw na nagsabay sila sa pagbabakasyon at maniniwala ka?), tila tuluy-tuloy na ang magandang kuwento tungkol sa dalawa?

Sina Dennis at Jennylyn, tahimik ang mundo nila ngayon. Sa katunayan, halos pareho sila nang sagot sa magkaibang interview sa kanila na “friends” lang daw sila kahit muli silang magkasama sa bagong project na ito.

Kung sa bagay, maganda na rin naman na kung sakaling nagkabalikan na muli sila ni Jennylyn, this time mas seryoso na, at sa kanila na lang ‘yun para wala nang intriga. Hindi na sila maiintriga pa as long na siya mismo ay tatahimik na. Kaya naman nakikisawsaw ang netizens at nag-uusyuso ang media ay dahil sila mismo ang nagpapasimula para mapansin at mapag-usapan.

Kung sa bagay, si Dennis, lagi namang good vibes ang aktor. No negativities. Walang siraan ng trip as loob as tahimik ang mundo niya at walang intriga, happy na ang aktor.

Kuwento ni Dennis sa amin, mas maraming kissing scenes si Mikael Daez sa mga eksena nito sa kanyang sa ex-GF. “Kami ni Jen, wala pa,” panigurado ng aktor sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleDingdong Dantes, natupad ang pangarap na makasama si Nora Aunor sa serye
Next articleArnel Ignacio, binastos-bastos lang ng aspiring singer

No posts to display