Dennis Trillo, nagpa-drug test na rin

ADVERTISING

 alt=

Dennis Trillo
Dennis Trillo
Dennis Trillo’s Instagram post
Dennis Trillo’s Instagram post

Ibinahagi ni Dennis Trillo sa kanyang Instagram account ang resulta ng kanyang drug test na isinagawa noong October 5.

ADVERTISING

Negatibo ang aktor sa illegal substances na Methamphetamine (mula sa Shabu) at Tetrahydrocannabinol (mula sa Marijuana).

Nauna nang nag-post sa Instagram ng resulta ng drug test ni Dennis ang kanyang manager na si Popoy Caritativo, kung saan sinabi ng manager na, “In our efforts to show support for the government’s campaign against illegal drugs, Luminary Talent Management has taken the initiative to have our talents tested.”

Samantala, sinagot naman si Dennis ang isang follower na nagtanong sa kanya ng “Eh cannabis?” matapos niyang i-post ang resulta ng drug test. Tinatawag ding ‘Cannabis’ ang iligal na Marijuana.

ADVERTISING

Ani Dennis, “Tetrahydrocannabinol Is Cannabis.”

Kabilang na ngayon si Dennis sa listahan ng mga celebrity na sumailalim sa drug testing.

Kamakailan lang, lumabas ang ulat na may hawak na listahan sina Presidente Rodrigo Duterte at Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ng 50 celebrity drug users at 10 celebrity drug pushers.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING