Dennis Trillo, nagbigay-pugay kay Jennylyn Mercado

NAGBIGAY-PUGAY si Dennis Trillo sa kanyang maybahay na si Jennylyn Mercado para ika-35th birthday nito.

Sa pamamagitan ng Instagram ay nagpost ang aktor ng isang larawan na kita ang pinagdaanan ni Jennylyn nang manganak ito sa kanilang baby. Ayon kay Dennis, mas na-appreciate niya ang mga sakripisyo ng kanyang misis.

Dennis Trillo, nagbigay-pugay kay Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

“Ang role mo bilang babae, bilang ina at asawa, napakahirap pala. Bilib ako sa ’yo, kasi kayang kaya mo lahat, you make it look so easy,” sambit ni Dennis.

Para kay Dennis, masuwerte sila ng kanyang baby girl na nasa buhay nila si Jennylyn.

“Ang swerte namin na kasama ka namin sa mga buhay namin, kaya nandito lang din kami parati para sa iyo,”. I love you, happy birthday mahal ko.” nakakakilig na pagtatapos nito.

Parehong Taurus sina Dennis at Jennylyn. Noong May 12 ay nag-celebrate ng kanyang 41st birthday si Dennis. We assume na kahit ang kanilang baby girl ay Taurus din at hinihintay lang namin ang iba pang detalye sa panganganak ni Jennylyn.

Stay in love and happy, DenJen! Belated Happy Birthday sa inyong dalawa!

 

Previous articleVLOG WATCH: A Day in the Life of Angeline Quinto as a New Mom!
Next articlePagbabalik-tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, bonggang-bongga sa ratings!