Dennis Trillo, magaling magpanggap na bading!

ADVERTISING

Dennis Trillo, magaling magpanggap na bading!

Dennis Trillo, magaling magpanggap na bading!BINUBUHAY RAW ang past issue ng pang-oombag diumano ni Dennis Trillo sa naging girlfriend niya.

Obviously, pinalalabas ang ganitong issue para maging negative ang dating ng binata dahil mainit na mainit ang kanyang pagganap sa My Husband’s Lover na everyday ay trending topic.

Ang husay-husay ni Dennis bilang lover dati ni Tom Rodriguez. Ang daming humahanga sa kanyang nuanced performance kaya naman merong isang kampo na tila nai-insecure sa kanya.

Ang feeling namin ay may demolition job kay Dennis lalo pa’t marami ang pumupuri sa kanya ngayon.

ADVERTISING

Bakit pa nila binubuhay ang past issue kay Dennis, eh, ilang taon na ang nakalipas? Wala na ba silang mabatong issue sa binata? Inggit ba sila dahil bumuhos ang paghanga ng mga beki sa acting ni Dennis sa My Husband’s Lover?

Actually, tama ang friend naming si Lili Marlene. Dennis is the best actor among the Kapuso talents. He can never be compared with anybody.

When we watched an episode where he arrived at the airport, kahit nakatalikod siya ay alam mong bakla ang character niya. He did it with such subtlety, something which ham actors of the network will NEVER be able to do kahit malaos na sila.

Kahit likod ni Dennis ay umaarte, kaya n’yo ‘yun?

Natawa nga kami nang husto when somebody tweeted na magaling si Dennis na magpanggap na bading habang ang ibang actor naman ay magaling gumanap ng tunay na lalaki.

Dennis Trillo, magaling magpanggap na bading!

HINDI PA man talagang nag-uumpisa ang kompetisyon sa The Voice of the Philippines ay meron na kaagad intriga.

Napansin kasi ng isang krizzy kalerQUI sa Twitter na, “#TheVoiceOfThePhilippines Blind Audition stage is so small and minimalist compared to other Asian counterparts such as Indonesia & Thailand.”

Sinundot pa niya ito ng isang maangahang na one-liner.

They were able to build a big & beautiful house for talentless narcissists for #PBB but failed put up a worldclass stage for #TheVoicePH,” sabi niya.

Ang taray, ‘di ba?

May nabasa rin kaming comment sa Facebook na nagsasabing hindi impressive ang pagkakagawa ng stage for the said show of ABS-CBN. Masyado raw itong maliit.

We have not seen the stage used in other countries na pinagtatanghalan ng The Voice kaya hindi namin ma-compare kung tama nga ang observation na nabasa naming.

But knowing ABS-CBN, hindi naman ‘yan magtitipid lalo pa’t sa ikagaganda ng show nila.

 

BLIND ITEM: This PR guy pala who’s working in a big network is one shrewd personality.

Some years back, this beki offered daw to pay P50,000 for each voting member of an award-giving body para maipanalo ang mga manok nila. The condition was P25,000 will be given before the voting process and the remaining balance pagkatapos ng award’s night.

After nang mabigyan ng awards ang manok ng beki ay hindi na raw ito nagparamdam sa mga bumoto. Deadma na ang beauty niya.

Ang hinala ng voting members ay ibinulsa ng beking ito ang datung na para sa kanila.

No wonder, lihim na pinagtatawanan ang beking staff-ador na ito ng isang network. Talagang SALOT ang turing nila sa kanya.

Pati nga ang mga kasama niyang PR sa network ay pinagtatawanan siya. Living fabulously kasi ang hitad kahit na mukha naman siyang SANDOK at wala ni katiting na kasosyalan!

At kapag kumuha raw ito ng hombre ay talagang first class kaya lalo siyang nagmukhang katawa-tawa.

Just imagine a handsome boy going out with a PIG ay talagang masusuka ka na.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING