Dennis Trillo & Lauren Young
Make Special Memories With Me!

ADVERTISING

Dennis-Trillo-Lauren-YoungDENNIS TRILLO
Real Name: Abelardo Dennis Florencio Trillo Ho
Birth Date: May 12, 1981
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus

LAUREN YOUNG
Real Name: Lauren Anne Young
Birth Date: November 8, 1993
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto

ADVERTISING

ANG HIRAM na Alaala ang isa sa mga teleseryeng pinapanood gabi-gabi sa primetime block ng GMA. Alam namin na si Kris Bernal talaga ang pinu-push ng Siyete na main leading lady ng Drama King na si Dennis Trillo, pero mas bet namin ang tambalan nila ni Lauren Young.
Why, you ask? Alam nating lahat na tahimik lang si Dennis, pero naaaakit ito sa mga babaeng independent at may strong personality. Lauren is all that. Compared to Kris, mas ‘woman’ ang dating nito at siguradong matsa-challenge si Papa Dencio kung sakaling i-pursue niya ang younger sissy ni Miss World, huh!
In an interview, honest si Dennis Trillo sa pagsabing single siya ngayon. Si Lauren naman ay may statement na she doesn’t date her co-stars. Hmm… it’s still early, but why not give this potential tandem a chance off-cam? Check kaya natin sa stars…
Malakas ang attraction sa pagitan ng Taurus at Scorpio. Sa katunayan nga, ito ang isa sa pinaka-intelihenteng pagsasama sa zodiac. Parehong may pagka-possessive ang dalawa, pero mas madaling magselos ang Scorpio. Mas demanding pagdating sa emotional attachment at intimacy ang Scorpio, na maaari nilang pag-awayan ng Taurus.
Isa rin sa negative traits na similar sa kanila ay ang pagiging mainitin ang ulo. Hirap ang dalawa na i-express ang kanilang nararamdaman kaya ang kadalasan na ending ay pagsabog. Boom! Kailangan nilang matutunang mag-open up sa isa’t isa. Open communication and understanding ang kailangan ng dalawa para maiwasan ang mga problema. Ayaw rin nila na sinasakal sila kaya nararapat lang na may ‘space’ sila kahit paano.
Para tumalab at tumagal ang pagsasamang ito, kailangan magsanib-puwersa ang dalawa para gumana ang kanilang tambalan. Dahil karamihan sa kanilang common traits ay ang ‘negative’, hindi pa rin maa-assure ng mga bituin na happily ever after ang ending nito. Minsan nga, kahit ang simpleng paglalandi sa iba ay puwede na nilang pag-awayan. Ma-overcome lang nila ito, puwedeng-puwede na!
Ahem… mukhang nuknukan ng potential ang DenRen, huh! Push n’yo na ‘yan! Please! Char!

Pares-Pares
By Madam DaminDennis Trillo & Lauren Young <br> Make Special Memories With Me!

ADVERTISING