Dennis Trillo, kinilala sa 11th Seoul International Drama Awards

ADVERTISING

Dennis Trillo, kinilala sa 11th Seoul International Drama Awards

1.Dennis Trillo With Manager Popoy Caritativo Having Their Korean Dinner
Dennis Trillo With Manager Popoy Caritativo Having Their Korean Dinner
Dennis Trillo Accepting His Award
Dennis Trillo Accepting His Award
1.Dennis Trillo With Korean Superstar Song Joong-Ki Of Decendats Of The Sun
Dennis Trillo With Korean Superstar Song Joong-Ki Of Decendats Of The Sun

Noong una, akala ko nga nagbakasyon lang ng Seoul, South Korea ang aktor na si Dennis Trillo lalo pa’t katatapos lang ng kanyang serye sa GMA with Heart Evangelista.

ADVERTISING

Sa picture na ipinost ng manager niyang si Popoy Caritativo sa Facebook account nito na ini-enjoy lang ng aktor ang Korean dinner nila, iisipin ko na naka-vacay mode si Dennis.

‘Yun pala, kaya nandu’n sa Seoul ang aktor for the purpose na dumalo siya sa 11th Seoul International Drama Awards.

Sa naturang event, Dennis was awarded the Asian Star Award at the 11th Seoul International Drama Awards. Ang naturang award ay non-competitive. It recognizes and rewards Asian drama actors who are widely loved by the Korean audience.

ADVERTISING

Ang mga nanalo ay recommended ng jury at ilang mga piling organizing committees.

Sa naturang event, naka-post pa nga ang photo nina Dennis at ng Korean Superstar-Actor na si Song Joong-Ki ng Korean telenovela na “Descendants Of The Sun”.

Ang parangal na iginawad sa aktor ay para sa kanyang performance sa dramang pang-telebisyon na “My Faithful Husband” na pinagsamahan nila dati ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado (na after the said serye, tila nagkaigihan ang dalawa at ngayon ay muling nagkabalikan).

Sa ngayon, after ng serye ni Dennis with Heart, pahinga muna siya sa telebisyon at magko-concentrate sa bago niyang pelikula under Viva Films with Anne Curtis and Paolo Ballesteros na “Bakit Lahat Ng Guwapo, May Boyfriend?” sa direksyon ni Jun Lana.

We’ve seen the trailer of the film at super aliw. Beki rom-com ito na I’m sure laugh trip sigurado na showing na sa October.

Mula sa akin, congratulations Den and more recognitions and projects to come.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING