Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, quiet lang sa kanilang relas para iwas intriga

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, quiet lang sa kanilang relas para iwas intriga

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, quiet lang sa kanilang relas para iwas intrigaTama lang na quiet na lang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa “relasyon” nilang dalawa.

Mula nang magkabalikan ang dalawa (na ayaw namang aminin ng dalawa),. mas tahimik ang buhay nila at iwas sa mga intriga at tsimis.

Ganun naman kasi ang kalalabasan kung gusto mong maging private ang buhay pag-ibig mo.

Mula nang magkasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa isang teleserye sa GMA Network, sinimulan na nga dalawa na maging “very private” sa relasyon kung ano man meron sila ngayon.

Kahit nagkasama recently sa kanilang European Holiday, deadma pa rin sila na aminin sa media na nagkabalikan na sila. Ayon na rin dito, hindi magulo at tahimik ang mundo nila.

As long maging consistent lang sa pagiging secretive kung ano man meron sila, oks na ‘yun para sa “tunay” nilang pagmamahalan.

Kaya nga sa press launch ng environmental cum romance film ni Den with Solenn Heussaff na “Lakbay2Love”, kahit anong pilit ng press pigain si Dennis para magkuwento tungkol sa kanilang ni Jennylyn, pangiti-ngiti lang ang aktor. He keeps mum about sa balitang nagkabalikan na sila ng aktres.

Reyted K
By RK VillaCorta