Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, mas type na gawin ng pribado ang relasyon

ADVERTISING

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, mas type na gawin ng pribado ang relasyon

Instagram Post of Dennis Trillo
Instagram Post of Dennis Trillo
Instagram Post of Jennylyn Mercado
Instagram Post of Jennylyn Mercado

Mukhang okey na rin naman na ang relasyon ngayon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay ipagmaramot nila nang konti sa press at sa publiko.

ADVERTISING

Oks na rin naman para kung ano man meron sila ngayong dalawa, sa kanila na lang ‘yun as long na maging consistent ang dalawa na maging pribado ang “lovelife” nila.

Kung maaalala pa, nagbakasyon ang dalawa sa Europe (Amsterdam) last year. Nang bumalik sila at magkaroon ng chance ang media na matanong sila about their trip, all smiles lang sila. Nag-share sila ng konting information, pero more than that ay hindi na nila ikinalakal, na nirespeto naman ng entertainment press.

Sa Instagram posting ng actor recently, happy sila ni Jenny sa recent Batanes vacay nila na ang photo na nakalagay sa IG ni Dennis Trillo ay ang jumpshot nila ni Jen.

ADVERTISING

May photo posting din ang aktres na habang ina-appreciate nila ang magandang seascape ng Batanes, ang dalawa nakaupo patalikod (facing the sea) at ang mga kamay nila ay gumawa ng hand sign na hugis-puso.

Yes, in love sina Dennis at Jennlyn Mercado. Kung tahimik man sila sa love life nila, hayaan na lang natin ang dalawa. They deserve to be happy at oks na rin ‘yun para sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING