Dennis Trillo, iniwasan ang media sa grand opening ng salon ni Jennylyn Mercado

Dennis Trillo, iniwasan ang media sa grand opening ng salon ni Jennylyn Mercado

Dennis-Trillo-Jennlyn-MercadoBUKAS SA Startalk ay mapanonood n’yo ang exclusive interview namin kay Jennylyn Mercado na binuksan na ang negosyo niyang Salon and Spa na Fit and Form sa may K-3rd malapit sa Gener St, sa Kamuning, Quezon City.

Maganda ang salon at spa niya na matagal din nilang binuo kasama ang mga partners niyang mga close friends din niya.

Nu’ng kamakalawa ng hapon ang grand opening at hinihintay roon ay ang pagdating ni Dennis Trillo, pero wala siya sa ribbon cutting nito.

Wala nang media nang dumating si Dennis at nandu’n pa ang Startalk, pero nakiusap silang huwag nang ilabas.

Hindi na nagpa-interview si Dennis, at nakiusap na huwag nang kunan ang pagpapagupit niya.

Galing si Dennis sa meeting niya sa GMA 7 na kung saan pinag-usapan na du’n ang bagong drama series niya sa GMA Telebabad na malamang si Jennylyn ang makapa-partner niya.

Kung matutuloy ang pagsasama ng dalawa sa drama series na gagawin nila sa GMA 7, doon na kaya sila aamin na nagkabalikan silang dalawa?

Ayaw pa rin nilang umamin pero mukhang nagkabalikan naman talaga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis