Dennis Trillo, gamit na gamit ni Bianca King

Dennis Trillo, gamit na gamit ni Bianca King

Dennis-Trillo-Bianca-KingMARAMI ANG nagtataka kung bakit si Dennis trillo na isa sa na-link kay Bianca King ang hindi yata makalimutan ng actress. Last year din nang makausap ng ilang press si Bianca, si Dennis Trillo na ang pinag-uusapan at sinasabi na nakipag-break sa kanya sa pamamagitan ng text lamang. At lagi rin naman nitong sinasabi na naka-move-on na siya sa break-up nila ng actor.

Pero ano ito? Nang makausap uli ng press si Bianca after a year, si Dennis pa rin ang “ginamit” na isyu ng actress. Sabi tuloy ng ilan press na nakausap namin, hindi raw ba puwedeng “gamitin” ni Bianca ang ibang actor na na-link sa kanya?

Unfair naman yata na dakdak nang dakdak si babae na hiniwalayan lang ni lalaki sa pamamagitan ng text, pero ‘di naman nito sinasabi kung paano ba sila naging sila ni lalaki. Hindi kaya may nakitang hindi maganda si lalaki sa babae kaya ito nakipag-hiwalay thru text? O puwede ring para makaiwas si lalaki na may magawang hindi maganda sa babae?

Sabi ng nagmamahal kay Dennis, dapat na raw itong magsalita sa sinasabing pakikipagkalas niya kay Bianca thru text lang. Pero knowing Dennis na pagdating sa kanyang personal na buhay, wala kang maririnig na hindi maganda at lalong hindi magbibigay ng pahayag kung totoo ba nakipagkalas siya thru text?

Anyway, sana ay makatulong nga sa bagong talk show ng TV5, kung saan isa sa mga host si Bianca kasama sina IC Mendoza at MJ Morfori sa isyu na laging kinakalkal ng una kapag nakausap ng press.

Magaling na actress si Bianca at magaling mag-host. Sana lang ay magbigay na lang ito ng ibang balita at hindi ‘yung tungkol sa kanyang matagal nang pinagdaanan na sabi ay naka-move-on na raw siya.

Tutal may bagong boyfriend na siya at kanyang ipinagmamalaki dahil responsable at mapagmahal na lalaki raw ito. Ang naturang guy nga raw ang nagturo sa kanya ng tamang pangangalaga ng lahat ng kinikita sa showbiz, atbp.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo