Dennis Trillo, excited sa bagong bahay

ADVERTISING

Dennis Trillo, excited sa bagong bahay

Dennis-TrilloEXCITED NGAYON si Dennis Trillo sa bago niyang bahay. Ito ang naikuwento ng manager niyang si Popoy Caritativo sa amin. “Hindi pa nga ako nakararating dun,” kuwento ni Popoy sa amin.

Overlooking from a hill ang bahay na ipinatayo ng aktor para sa kanyang pamilya. Sa katunayan, dahil sa pagiging super excited ng aktor sa naipundar, mas gusto niyang tumigil sa bahay niya kaysa lumabas or maglakwatsa.

Wala pang detalye si Popoy sa amin tungkol sa haybols ni Dennis. Hindi rin niya alam kung ilan ang kuwarto nito.

“Very close si Dennis sa family niya kaya gusto niya itong naipundar niya sa kanila,” dagdag na impormasyon sa amin ng manager niya.

ADVERTISING

Sa katunayan, sa December (1st week), nakatakdang umalis si Dennis at Popoy patunong Canada para sa premiere showing ng pelikulang Felix Manalo. “Sa Toronto naka-schedule kami at sa isa pang city,” pagbibida pa ni Popoy.

Now na may bahay na si Dennis para sa pamilya niya, malamang, next big project niya ay ang pagpapatayo naman ng sarili niyang bahay, kung saan ang ititira na niya ay ang babaeng mahal niya na makakasama niya niya for life.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING