Dennis Trillo, enjoy pa rin kahit zero ang lovelife

ADVERTISING

Dennis Trillo, enjoy pa rin kahit zero ang lovelife

Dennis-TrilloAYON KAY Dennis Trillo, zero raw ang lovelife niya hanggang ngayon. Lumalabas daw siya kasama ang mga non-showbiz friend pero hindi raw siya nakikipag-date.

“Mahirap kasi ang pinipilit na relasyon dahil maraming kumplikasyon. Ini-enjoy ko pa rin ang aking buhay,” say ni Dennis kung bakit wala pa siyang girlfriend.

Naniniwala si Dennis na isa siyang husband material dahil marami siyang natutunan sa kanyang buhay, pakikipagrelasyon at trabaho.

“Gusto kong lumawig pa ang aking trabaho bilang artista kaya gusto kong mag-aral. Kukuha ako ng cinematography sa Mowelfund,” say pa ni Dennis.

ADVERTISING

Samantalang kakaibang role ang gagampanan ni Dennis sa Hiram Na Alaala with Kris Bernal, Rocco Nacino, Lauren Young, atbp. Isa siyang sundalo sa series na malapit nang umere sa GMA 7, makikipaglaban sa mga rebelde.

 

ISA SA mga bida ng Strawberry Lane si Kiko Estrada na nagbabalik bilang Kapuso talent, matapos na pansamantalang lumipat ng ABS-CBN noong 2012.

Si Kiko sana ang isa sa magiging leading men ni Julia Barretto sa TV series na Mirabella, pero nang mag-finalize ng casting ay isa siya sa natanggal.

Hindi naman ikinaila ni Kiko na nalungkot siya nang matanggal sa Mirabella lalo pa nga raw at nag-audition pa siya para makuha ang role.

“Talagang nalungkot po ako nang matanggal. Sinungaling naman ako kung hindi ako nalungkot. It’s a big show. Primetime show. Pinangakuan ka na ikaw ang magiging bida ng ABS. I studied the role for 3 months. Nasaktan ako pero after no’n, iniisip ko na lang na blessing siya. Blessing in disguise, sabi ng Papa ko. ‘Eto ‘yung open na door na dating sarado, ‘eto ‘yung bumukas..”

Nangako si Kiko na pagbubutihin niya nang husto ang trabaho. Hindi lang daw doble, kundi triple or more.

Anyway, ano nga kaya ang tunay na dahilan nang pagkatsugi ni Kiko sa launching TV series ni Julia Barretto sa ABS?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING