Dennis Trillo, ‘di naiwasang ma-starstruck kay Anne Curtis

ADVERTISING

Dennis Trillo, ‘di naiwasang ma-starstruck kay Anne Curtis

Dennis Trillo
Dennis Trillo

First time nakatrabaho ni Dennis Trillo si Anne Curtis kaya excited siya sa pelikula nilang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” na showing on October 19.

“It’s a dream come true. Dream come true talaga ito para sa akin dahil matagal ko na rin siyang gustong makatrabaho.

“And finally, ‘eto nga, nagkatotoo na at perfect project din dahil first time ko ring gumawa ng ganitong pelikula na light lang,” reaksyon ng actor.

Eh, ano naman ang pakiramdam niya na kahit si Anne ay matagal na rin palang nire-request sa Viva na makasama siya sa isang project?

ADVERTISING

“Siyempre, sobrang happy,” masaya niyang pahayag. “Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang ma-starstruck sa kanya nu’ng mga unang araw ng syuting namin. Nakaka-starstruck siya,” wika pa niya.

Thankful din ang actor na isa siya sa mga bida sa pelikulang prinodyus ng Viva Films at Idea First.

“Nagpapasalamat ako na nangyayari ang lahat ng ito dahil hindi naman lahat ng artista, nagkakaroon ng ganitong klase ng project, makakatrabaho si Anne, si Paolo Ballesteros. Very thankful ako sa lahat ng mga nangyayari,” sey pa ni Dennis.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING