Dennis Trillo, confident nang magpa-sexy

ADVERTISING

Dennis Trillo, confident nang magpa-sexy

Dennis-TrilloGAYA NG inaasahan, maingay na pinag-usapan ang katatapos na denim and underwear fashion show ng Bench na The Naked Truth. Lalo na ang male celebrities na rumampa suot lang ang Bench Body underwear kung saan kabilang sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

ADVERTISING

Parehong nag-trending ang dalawa. Ibang Dennis at Tom ang bumungad sa mga nanood ng nasabing event na talagang game na nakipagsabayan sa pagpapakita ng hubad nilang katawan.

Malakas ang sigawan ng crowd nang magsalubong sila sa stage. Inakala nga ng iba na maghahalikan sila. Talagang hindi pa rin nawawala ang TomDen fever na nabuo nang magsama sila sa matagumpay na primetime series ng GMA na My Husband’s Lover, kung saan nakasama rin nila si Carla Abellana.

“Kasi nagkaroon kami ng mahabang oras para mag-prepare talaga dito sa event na ‘to,” ani Dennis.

ADVERTISING

“And… ayaw namin na dumating ang araw na ‘yon na pagsisisihan namin. Dahil minsan lang ‘yon. At first time din namin (ni Tom) pareho. Kaya pinaghandaan namin talaga. And natuwa naman kami sa kinalabasan dahil mukhang natuwa naman ‘yong mga nanood. Masaya sa pakiramdam na kahit na-reschedule ang event na ‘yon, marami pa ring nagpunta.  Marami pa ring natuwa. Napakaraming naghirap para sa show na iyon. Na nag-diet at nag-work out.”

Pinainit nila ang lamig ng habagat na idininulot ng dumaang bagyong Mario.

“Pinainit ba?” natawang reaksiyon ni Dennis. “Pinainit naming lahat. Dahil napakarami ro’n, e. Na almost half-naked lang. Pero… ayon, nakakatuwa. Sobrang proud kami na nakasama kami ro’n sa show na ‘yon. At nasiyahan ‘yong mga tao sa mga pinaggagagawa namin sa stage.”

Nasimulan na niyang maging daring at sexy nga sa Bench Body, tiyak na people will be expecting for more after this. So, what’s next?

“Hindi ko alam. Dahil first time ko pa lang naman ‘yon. Ah, hindi ko naman sinasabi na iyon na ang last time na gagawin ko ‘yon. So, kung may iba pang pagkakataon, baka ano… Dahil do’n, kahit papano nabuo ‘yong confidence namin.  Nagkaroon kami ng lakas ng loob. So, kung meron mang susunod, bakit hindi?”

Dahil sinabi nga niya na nabuo ang confidence niya, itinuturing na nga ba niya ang kanyang sarili na sexy?

“A… maayos lang!”sabay ngiti ni Dennis. “Hindi na nakakahiyang ipakita. Pero alam mo ‘yon? Siyempre, dapat kasi huwag ka ring masyadong makapante palagi sa kundisyon mo. Kailangang lagi kang nagwu-work out. Lagi mong dinadahan-dahan kahit na off-season. Para anytime, ready ka palagi.”

Ano ang reaction ng mga inimbita niyang manood sa pagrampa niya?

“Uhm… medyo nagulat. Dahil bukod sa akin, napakarami pa ng ibang rumampa at mga daring ‘yong mga pinaggagagawa nila. Medyo na-disorient sila nang konti. Oo. ‘Yong mommy ko at ang iba kong mga Titia, nanood sila. So, medyo na-culture shock. Pero nag-enjoy naman sila. Sulit ‘yong ibiniyahe nila na sobrang traffic.”

Inimbita rin ba niyang manood si Kris Bernal na leading lady nila ni Rocco Nacino sa bagong primetime series ng GMA 7 na Hiram Na Alaala? “Ah, may lakad yata siya no’n, e.”

Ultimate crush siya ni Kris. Siguradong magtititili ang aktres sakaling napanood siyang rumarampa nang naka-brief lang.

“Oo nga. Pero magkikita naman kami (Monday, September 22). May taping kami ng Hiram Na Alaala.”

Pagkatapos niyang rumampa nang naka-underwear lang, ready na rin ba siya para mag-pose sa billboards na ‘yon din lang ang suot?

“Palagay ko, oo!”tawa niya. “Kasi ‘yong live na pagrampa, nagawa ko na, e. E, kapag billboard, isang camera lang ang katapat ko, kaya mas kaya ko.”

E, sa mga eksena kaya sa pelikula? “Puwede na rin siguro. Puwede na rin siguro.”

Nitong Monday, September 22, nagsimula na ang airing ng Hiram Na Alaala kung saan bida nga silang tatlo nina Kris Bernal at Rocco Nacino.

“Napakaganda ng kuwento ng Hiram Na Alaala. Hindi siya ‘yong pangkaraniwang kuwento na sobrang predictable at malalaman mo ‘yong mga susunod na magaganap,” sabi ni Dennis.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING