Dennis Trillo at Carlene Aguilar, balak idemanda ang naaksidenteng school bus ng anak

ADVERTISING

Dennis Trillo at Carlene Aguilar, balak idemanda ang naaksidenteng school bus ng anak

Dennis-Trillo-Carlene-AguilarNAKU, ‘DAY! Alipusta tuloy ang inabot ni Dennis Trillo nang nabalitaang kasama sa school bus na naaksidente ang anak niyang si Calix kamakailan lang.

Kasi naman, bakit pinag-school bus eh, kaya naman nitong ikuha ng kotse at driver ang anak niyang malayo pa ang pinag-aaralan.

In fairness naman kina Dennis at kay Carlene Aguilar, okay naman sana na mag-school bus, eh.

Kasi nakapag-bonding pa sa mga classmates niya sa bus.

ADVERTISING

Malaki rin ang binabayad ni Carlene sa monthly ng school bus na ‘yun, kaya nga nagrereklamo siya sa eskuwelahan ng anak niya, at pinag-iisipan nila ni Dennis na idemanda ang may-ari ng school bus dahil sa kapabayaan ng driver nito.

Naglabas nga ng statement si Carlene na wake-up call daw ito sa gobyerno, lalo na sa LTFRB at sa school authorities na dapat daw na maging maingat sila sa pagbigay ng permit sa mga operators. Hindi ‘yung basta-basta na lang mag-hire ng driver na walang responsibilidad sa mga pasahero.

Hindi na muna nagpapa-interview sa ngayon sina Carlene at Dennis dahil nga magkunsulta pa sila sa abugado sa posibleng pagdemanda sa school bus.

Dapat meron ding gawin diyan ang eskuwelahan ni Calix dahil accredited nila ang school bus na kinuha, eh.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING