Dennis Trillo & Bianca King: Friends or Lovers?

Dennis Trillo & Bianca King: Friends or Lovers?

DENNIS TRILLO

Real Name: Abelardo Dennis Florencio Ho

Birthdate: May 12, 1981

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

Dennis Trillo & Bianca King: Friends or Lovers?

BIANCA KING

Real Name: Bianca Charlotte King

Birth Date: March 18, 1985

Zodiac Sign : Pisces

Symbol: The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

Closest Metal: Germanium and Strontium

Lucky Day: Thursday

 

HABANG TUMATAGAL, LALONG umiinit ang mga tagpo sa Sinner or Saint, ang panghapong programa ng Siyete na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Bianca King. Maitutu-ring na isang ‘unexpected team-up’ ang pagsasama ng dalawa at sa katunayan nga, ito ang una nilang proyekto bilang magkatambal. Sanay tayo na nakikitang nang-aapi si Bianca King sa kanyang nakaraang mga programa. For a change, siya naman ang minamaltrato ni Alessandra de Rossi rito. Tarush!

Napansin din ng ilan sa masusugid na manonood ng Sinner or Saint na may on-screen chemistry sina Dennis Trillo at Bianca King. Mahusay rin nilang ginagampanan ang papel bilang ambisyosong si Raul at kawawang si Noemi. May nabasa pa nga kami sa Twitter at ilang forums na may nagre-request na sana raw ay magkaroon sila ng pelikula balang-araw.

Alam naman ng lahat na hindi maganda ang break-up nina Dennis Trillo ay Jennylyn Mercado. Hindi naman ibinahagi sa madla ni Bianca King ang rason kung bakit sila naghiwalay ng ex-Hale vocalist na si Champ Lui Pio. What if maging sina Dennis at Bianca na lang kaya? Keri ba? Hmmmm…

Parehong malawak ang pang-uunawa, laid-back ang perso-nalidad at may disposisyon sa buhay ang Taurus at Pisces. Ito ang dahilan kung bakit hangga’t maaari ay gusto nilang tahimik lang ang kanilang lovelife. Madaling mai-in love ang Taurus sa Pisces dahil sa pagiging malambing nito, samantalang ang Isda naman ay bibilib sa malakas na personalidad ng Toro.

Ang pagkakaiba nila ay mas nanaisin ng isang Taurus ang simpleng pamumuhay lamang habang mas trip naman ng Pisces ang magarbong lifestyle. Dito maaaring mag-ugat ang ‘di pagkakaunawaan ng dalawa…. Na bihira namang mangyari. Tanong n’yo pa sa buwan!

Katulad ng isang alak, habang tumatagal ay lalong gu-maganda ang relasyon ng Pisces at Taurus. Nagko-complement kasi ang differences nila at dahil pareho silang understanding, willing silang mag-adjust para sa minamahal.

Malaki ang tsansang tumagal ang relasyon ng Isda at Toro. Pareho silang passionate at masigasig sa kanilang piniling karera. Pareho rin silang may itinatagong romantic side na silang dalawa lang ang nakakaalam kung paano hulihin ang kiliti ng isa. Sisiguraduhin ng lalaking Taurus na mararamdaman ng babaeng Pisces na secured ito sa kanyang piling. Kailangan lang maging maingat ni lalaki dahil may pagka-sensitive si babae.

Ayun naman pala, eh! If given the chance, mukhang puwedeng-puwedeng mag-convert from friends to lovers itong sina Dennis at Bianca. Why not nga naman, ‘di ba? Pareho naman silang single. Why not mingle with each other?! Gora na! Hindi kasalanan ang ma-in love ulit! Hihihi!

By Madamme Damin

Pares-Pares

By Madam DaminDennis Trillo & Bianca King: Friends or Lovers?