Dennis Trillo & Bela Padilla: Doctor Love, Heal My Heart!

Bela-Padilla-Dennis-TrilloDENNIS TRILLO
Real Name: Abelardo Dennis Florencio Ho
Birth Date: May 12, 1981
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

BELA PADILLA
Real Name: Krista Valle Sullivan
Birth Date: May 3, 1991
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

AWARD-WINNING KAPUSO stars Dennis Trillo and Bela Padilla leads the cast of the GMA News TV Medical Drama entitled ‘Sa Puso ni Dok’. Sa unang pagkakataon ay magtatambal ang dalawa at base sa trailer, mukhang may chemistry sila, huh!
Kilala bilang matinik sa mga seksing bebot itong si Papa Dennis. Remember his romance with Carlene Aguilar, Rufa Mae Quinto, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado and Bianca King? Si Bela Padilla naman ay very in love sa kanyang film producer BF na si Neil Arce at matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon. May tsansa kaya ang dalawang Taurus hotties na ito for a real life romance?
Taurus people are known for being consistent, dependent and commited. Mahilig sila mag-nature-tripping at talagang pinapahalagahan nila ang mga blessing na dumarating sa kanilang buhay. Malaki ang posibilidad na mag-klik agad ang dalawang Taurus dahil sa kanilang similar traits. Mas nauunawaan nila ang nais ng isa’t isa.
Ooops… it won’t be that easy, huh? Dahil pareho rin na stubborn at inflexible, darating ang panahon na magkakaroon sila ng misunderstandings. Pareho sila na paninindigan nila ang kanilang personal opinions sa samu’t saring bagay, na maaaring pag-ugatan ng major war.
Walang dapat problemahin pagdating sa pera at stability. Responsible ang mga Taurus at matured sila pagdating sa usaping pera. Dahil halos magkapareho, may tendency na maging boring ang pagsasamang ito. Ang constant labing-labing ang p’wedeng pumuno sa pagiging predictability ng tambalang ito.
Kailangan lang ma-overcome ng dalawang Toro ang kanilang stubbornness, or hindi dapat mataon na sabay silang wala sa mood umintindi. They will need each other as inspiration to do better in life. Actually, punung-puno ng romansa ang pagsasamang ito. Control lang.
Dug… Dug… Dug… Dug… Kung sakali pala ay may chance ang Dennis-Bela sa totoong buhay! Kung ma-brokenheart man kayo, alam n’yo na kung kanino hahanap ng kalinga, ha? Teehee!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleLabanan sa Checkered
Next articleTom Rodriguez, inisnab ang mga fans sa Davao?

No posts to display