Dennis Trillo, ayaw nang maging kontrobersyal ang lovelife

Dennis-TrilloNANG TANUNGIN namin si Dennis Trillo kung nasaan na nga ba ang level ng relasyon nila ngayon ni Jennylyn Mercado, simple lang ang naging sagot niya.

“Maganda ‘yung samahan namin, ‘yung working relationship okey rin. Pero merong mga ibang bagay na alam mo ‘yon… ‘di na kailangang sabihin. Kung ano ‘yung nakikita ng mga tao, ‘di mo na kailangang sabihin pa na ganito ‘yon.

“Parang what you see is what you get siguro. At saka, hindi naman ako ‘yung tao na nagpo-focus lang sa lovelife, pero masaya lang ako sa mga nangyayari and maayos kami at walang problema,” sey ng actor.

Pinag-usapan ba nila ni Jennylyn na huwag munang aminin ang relasyon kung meron nga?

“Hindi naman!” reaksyon agad niya. “Mas masaya lang siguro kami na tahimik, na hindi na pinagpipiyestahan kung anuman ‘yung mga nangyayari sa amin at sa mga buhay-buhay namin.

“Kasi, medyo matatanda na rin kami, eh. Siguro ‘yung mga ganyang usapin, para lang ‘yan sa mga nagsisimula, na gustong pag-usapan ‘yung lovelife nila at maging controversial. Tapos na kami do’n, so, mas gusto naming siguro na peaceful, walang kontrobersya o anuman,” katwiran ni Dennis na partner din ni Jennylyn sa My Faithful Husband series ng GMA 7.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleWillie Revillame, ‘di iniinda ang naluging P50-M sa game show
Next articleWillie Revillame, pinahahaba ang pisi para sa game show

No posts to display