Dennis Trillo, ayaw na sa showbiz na girlfriend

Dennis Trillo, ayaw na sa showbiz na girlfriend

Dennis-TrilloHINDI MAIIWASANG mapag-usapan ngayon sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil special guest ng actress ang hunk actor sa kanyang Valentine concert. Parehong single kaya inuugnay sa isa’t isa. Sa mga naging ex-boyfriend ni Jennylyn, kay Dennis kinikilig ang mga fans ng singer-actress kahit ang totoo n’yan ay friends lang talaga sila. Ang dalaga na nga ang nagsasabing walang namamagitan sa kanila ng actor. Pareho silang single parents and their happy being friends. Focus muna sa kani-kanilang career at anak ang dalawa.

Sabi nga ni Dennis, sa mga naging ex-dyowa niya in the past, wala siyang binabalikan. Ibig sabihin, imposibleng maging sila uli ni Jenny. Kapag may girlfriend daw siya, nawawala siya sa ayos. Medyo mahirap daw pagsabayin ang lovelife, career at family. Hindi ito makapag-concentrate sa trabaho. Hindi niya napag-uukulan ng panahon ang kanyang anak at pamilya. Happy ngayon ang award-winning actor sa pagiging single.

Kakaibang excitement, happiness kapag kasama ni Dennis ang anak niya. Naiba ang outlook niya sa buhay nang maging tatay na siya. As a father, iniisip nito ang magiging future ng anak. Iisang tabi muna nito ang personal life. ‘Yan naman daw ay kusang darating kung talagang para sa kanya. If ever na magkaka-girlfriend si Dennis, wish niya hindi taga-showbiz. “Para may privacy kayo pareho,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield