Dennis Trillo avoids interviews; irks reporters

ADVERTISING

Dennis Trillo avoids interviews; irks reporters

Dennis Trillo avoids interviews; irks reportersMARAMING KASAMAHAN NATIN sa panulat ang naiimbiyerna kay Dennis Trillo, dahil naging mailap na raw ang magaling na aktor kapag iinterbyuhin ngayon. Mayroon pa ngang naiinsulto sa kanyang mga kilos, dahil umano’y obvious daw na gusto lang umiwas ng binata na makapanayam at matanong tungkol sa depensa niya sa mga pagbubulgar na ginawa ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado na may kinalaman sa dahilan ng kontrobersiyal nilang paghihiwalay.

Papaano naman kasi, dinudumog ngayon ng press si Dennis, dahil importante talagang marinig ang kanyang panig tungkol sa mga isiniwalat ni Jennylyn.  Pero katulad ng dati niyang ginagawa kapag kontrobersiyal siyang pinag-uusapan dahil sa hidwaan nila ng kanyang mga nakakarelasyon, pinili na lang ng aktor ang manahimik. Maselang isyu nga naman ang tungkol sa pag-hihiwalay nila ng alaga ni Becky Aguila. Kung sasagot siya ay hindi matatapos ang usapan, dahil may isasagot pa rin bilang buwelta sa kanya ang kabilang kampo. Hindi rin istilo ni Dennis ang nakikipagtarayan sa mga babae, dahil ang sagwa nga naman noon.

Hindi naman bastos na tao si Dennis. Mayroon lang mga pagkakataon na mas pinipili niyang manahimik sa isyu. Maaaring hindi ako kilala ni Dennis sa pangalan, pero maipagtatanggol ko naman ang alaga ni Popoy Caritativo, na nasa paraan lang ‘yan ng pagtatanong. Hindi man eksaktong sumagot sa mainit na isyu tungkol sa kanya, at napakabait ni Trillo kapag na-korner mo siya nang kayo lang, dahil magkukuwento siya ng kung hanggang saan lang ang puwede niyang sabihin.

 

ADVERTISING

BLIND ITEM: TALAGANG ang bakla, ay bakla, ay bakla! Ang paglaladlad ng isang bading ay namimili lang ng tamang panahon ayon sa kagustuhang paglaladlad ng isang personalidad. Katulad na lamang ng isang napakaguwapong aktor na sumikat dahil sa isang noontime show na mga bagets ang bida. Itago na lang natin siya sa pangalang Michael Jose.  Mabilis tumangkad si actor, kaya nu’ng kasali pa siya sa nasabing show ay larga at kitang-kita na ang kanyang porma, dahil binatang-binata na siya. Para din kasing may lahi siyang banyaga.

Pinagpapantasyahan noon ng mga kababaihan at kabadingan sa showbiz si Michael, dahil bukod sa matangkad siya na brusko ang dating ng kaguwapuhan dahil balbon siya, bakat na bakat lagi ang ipinagmamalaki niyang harapan. Matalino siya, Inglesero at wala siyang tanong na hindi kayang sagutin. Taklesa rin siya na mahilig magtaray. Pero ganu’n lang.  Napansin lang siya, dahil magaling din siyang umarte. Magaling na kontrabida. Pero umaalingasaw noon ang tsismis, na bading daw siya. Hindi niya inamin sa telebisyon, pero sa mga piling kaibigan at pinagkakatiwalaang tao sa showbiz ay ipinapahalata niya na bading siya. Hindi naman siya malamya kumilos sa harap ng kamera, dahil brusko nga siya, kaya hindi naniniwala ang kanyang mga fans na siya ay bading.

Unti-unting nawala sa uso ang kasikatan ni Michael, kaya iniwan muna niya ang showbiz at sinubukan ang ibang larangan. Nangibang bansa siya. Ang latest na chicka ay head na siya ng mga roomboys sa isang 3-star hotel sa America.  Pero kakaiba na raw ngayon si Michael, dahil hindi na astig ang mga kilos niya. Bumigay na siya. Bonggadera na siya, dahil nagbibihis-babae na raw ngayon ang dating kontrabida. Kung nami-miss n’yo na siya, dahil nawawala na sa showbiz…  Siya na nga ‘yon. Kuha n’yo?

 

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa dating PRO ng Seiko Films na si Mr. Jun Macarubbo. Hindi ko siyempre siya makakalimutan, dahil siya ang nagrekomenda sa akin noon para makapag-PR din ako ng mga pelikula at ilang hubadera at hubadero ng Seiko Films, gaya nina Priscilla Almeda at Anton Bernardo. Iniwan muna ni Kuya Jun ang showbiz, dahil may iba siyang business. Pero siya ang nagdidirek dati ng sexy pictorial para sa mga seksing pelikula noon ng kumpanya ni Mr. Robbie Tan. Karay-karay ako lagi ni Macarubbo ‘pag may pictorial siya, kaya sobrang naumay akong makakita ng mga hubadera at hubadero, sa totoo lang.

Labyu, Junmac!

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING