Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, mga feeling bagets

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, mga feeling bagets

Jennylyn-Mercado-Dennis-TrilloFEELING YATA nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado ay bagets pa sila kaya carry pa nila ang magpa-cute.

Sanrekwang nasty comments ang nabasa namin dahil kahit na obvious na they’re back on each other’s loving arms ay ayaw pa nilang magsalita. Ang drama ni Jennylyn ay what you see is what you get.

They were sighted walking na magka-holding hands sa Greenhills recently, obvious that they’re nagkabalikan.

“Pinapaikot pa ng dalawang ito ang mga Tao. Wala pa daw sya bf pero magkasama Sa Balesin at Sa isang room. Bibigyan ka na ng relo at bisekleta Kung Wala Lang. Magtigil ka nga jennylyn. Tsk!” mataray na comment ng isang guy.

“Nagpapaingay nanaman ng pangalan ang dalawang ito. paano hindi nanaman sila napag uusapan kaya gawa gawa ng eksena dahil may movie nanaman si lalake with solenn! Nako Dennis kilala ko pagkatao mo,” paniwala naman ng isa pa.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas