Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, ayaw pa ring bumigay

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, ayaw pa ring bumigay

Jennylyn-Mercado-Dennis-TrilloHINDI PA rin bumibigay sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kahit anong kulit ng Startalk sa kanila nu’ng nakapanayam sila sa story conference ng bagong drama series nilang My Faithful Husband nu’ng kamakalawa ng hapon.

Kasi naman, sa mga kilos daw nila, nakikita naman daw na may something talaga silang dalawa. Pero mas gusto nilang tahimik na lang.

Sabi ni Jennylyn, kung sakaling pumasok daw siya sa panibagong relasyon, mas gusto sana niyang tahimik lang.

Aniya, “Siguro sa susunod kong relasyon, sana tahimik na lang.”

Sabi naman ni Dennis; “Sino ba naman ang may gusto ng magulong relasyon?

“Eversince naman, ganu’n talaga ang gusto ko, eh.”

Natutuwa lang daw sila dahil nandiyan pa rin ang mga fans nila at tuwang-tuwa sila dahil marami ang excited sa pagsasama nila uli.

Hay, naku! Kung hindi man sila aamin ngayon, malamang na pagdating ng promo nito ay magkaaminan na.

Bago nila simulan itong soap nila, pinaghahandaan muna ni Jennylyn ang pagrampa niya sa FHM party na kung saan siya ang nag-number one na sexiest Pinay.

Pero wala raw siyang balak na imbitahin si Dennis na panoorin siya dahil naasiwa siya.

Sabi nga niya, pati nga raw ang pamilya niya ay hindi niya papupuntahin dahil hindi raw niya alam kung ano gagawin niya kapag pinapanood siya ng pamllya niya na naka-sexy outfit.

Pero mukhang wala namang balak na manood dahil medyo magulo raw du’n.

Kaya dedma si Dennis sa FHM ni Jennylyn.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis