Dennis Trillo and Jennylyn Mercado Hurt Each Other Before They Separated

ADVERTISING

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado Hurt Each Other Before They Separated

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado Hurt Each Other Before They SeparatedPINAG-UUSAPAN NGAYON ITONG break-up nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ayaw pa munang magsalita ng dalawa, kaya ang manager nila ang nagbigay ng statement sa isyu. Si Becky Aguila ang nagkumpirmang break na sina Dennis at Jennylyn nu’ng March 5 pa, pero nakiusap itong hayaan na munang manahimik ang aktres dahil sa ngayon ay hindi pa raw naghihilom ang sugat ng break-up na ‘yon.

ADVERTISING

Kailangan daw magpakatatag ni Jennylyn para sa sarili at sa kanyang anak na si Alex Jazz. Sa dahilan daw ng break-up, mabuting si Dennis daw ang magsalita dahil marami raw itong dapat ipaliwanag at kailangan nitong humingi ng tawad kay Jennylyn.

Sabi naman ni Popoy Caritativo, manager ni Dennis, selos ang dahilan ng break-up at madalas nilang pag-aaway. Pati raw ang pagbigay ni Dennis ng bulaklak kay Heart Evangelista sa Party Pilipinas ay pinagselosan pa ni Jennylyn at pinag-awayan pa raw ng dalawa ‘yon.

Siyempre, nag-react si Becky dahil hindi naman daw totoo ‘yon. Tinanong daw niya si Jennylyn tungkol doon, natawa na lang daw ito dahil kaibigan ni Jennylyn si Heart at alam naman ng lahat na may boyfriend ang aktres, kaya bakit pa raw niya ito pagseselosan?

ADVERTISING

Hay, naku! Hintayin na lang natin na magsalita sila. Tingin ko, hindi na magsasalita si Dennis dahil mas lalo pang lalaki ang isyu. At lalaki naman siya siyempre.

Si Jennylyn naman, sobra pang nasaktan, kaya abangan na lang natin kung magsasa-lita pa siya. Tingnan natin kung aamin ba sila na umabot na sa sakitan, kaya napagpasiyahan na nilang maghiwalay.

Dinig ko, meron daw sinakal, meron din sinampal. Nakakaloka naman ‘yan, huh! Dapat na ngang maghiwalay sila kung ‘yun na ang nangyayari.

NANG MAG-GUEST NAMAN sa Startalk ang dating magkasintahang Michelle Madrigal at Jon Hall, hindi napigilan ni Michelle na maiyak nang pinag-usapan na ang tungkol sa break-up nila. Si Jon na lang ang sumagot na madalas na ang pag-aaway nila, kaya minabuti nilang maghiwalay na lang.

Magkasama pa rin naman sila sa Captain Barbell at magkasabay nga silang nagpu-promote, pero siyempre masakit pa rin sa kanila, kaya naiyak na talaga si Michelle. Inamin naman nilang mahal pa nila ang isa’t isa, pero dahil sa napapadalas na ang away nila, mas mabuting maging friends na lang daw sila.

Hindi lang nila masabi kung may posibilidad pang magkabalikan pero sa ngayon, naka-focus na muna sila sa trabaho. Nagpaka-professional na lang sila na kahit magkasama ay naisantabi ang ano mang naramdaman nila dahil kailangan nilang magtrabaho.

Magsisimula na mamayang gabi ang Captain Barbell na pinagbibidahan siyempre ni Richard Gutierrez.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING