Dennis Trillo, abala sa paggawa ng apat na pelikula

Dennis Trillo, abala sa paggawa ng apat na pelikula

Dennis-TrilloPAGKATAPOS NG primetime series na Hiram Na Alaala na pinagbidahan nila nina Kris Bernal at Rocco Nacino, puro pelikula muna raw ang sunod na pagkakaabalahan ni Dennis Trillo. Pero ayaw muna niyang magbigay ng detalye tungkol ditto.

“Iba-iba ang tema ng mga movie na gagawin ko, e. Hindi mga taga-GMA ang makakasama ko,” aniya. “Three to four films ang gagawin ko. At ang maganda no’n, iba-iba ang tema ng mga pelikulang gagawin ko. May drama, meron ding comedy. Basta iba-iba. Kaya exciting.”

Bagong soap, meron na rin bang pinaplano ang GMA para sa kanya?

“Wala pa. Magpo-focus muna ako sa mga pelikulang gagawin ko. Marami-raming movies iyon. Kaya marami-raming trabaho rin.”

Nananatiling zero ang lovelife ni Dennis.  Pero possible kayang magkaroon siya ng special someone ngayong 2015?

“Wala. Wala, e. ‘Yon nga, katulad ng sinabi ko… focused ako sa trabaho. Kasi ano… ang dami, e. Puro pelikula ang gagawin ko. Puro magaganda projects iyon kaya gusto kong huwag siyang pabayaan. Gusto kong magampanan nang maayos ang bawat isa sa mga roles ko sa mga project na ‘yon. Kaya… focus muna sa trabaho talaga.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan