Dennis Rodman, suplado sa Pinoy fans?!

ADVERTISING

Dennis Rodman, suplado sa Pinoy fans?!

Dennis Rodman, suplado sa Pinoy fans?!

BASKETBALL SUPERSTAR Dennis Rodman is a snob.

Ito ang naging da-ting niya when he was spotted shopping at SM Harrison Plaza last Wednesday. Rodman is here for the exhibition games between NBA boxing legends and PBA superstars.

Naitsika sa amin na sobrang suplado itong si Dennis. Hindi siya amiable sa kanyang mga Pilipinong tagahanga.

ADVERTISING

Nang magtangka raw ang isang fan na kunan ng photo si Dennis ay kaagad itong sinaway ng kanyang bodyguard. Pinagsabihan itong hindi puwedeng kunan ng litrato ang basketball superstar. At lalong hindi puwedeng lumapit ang fans sa kanya.

Well, ayaw siguro ni Dennis na maistorbo sa kanyang pagsi-shopping.

Actually, around eleven in the morning pa lang daw ay nagpunta na si Dennis sa nasabing mall to shop. Bumili raw ito ng luggages at ilang T-shirts. May nagustuhan daw itong sapatos kaso ay walang size para sa kanya.

Rodman’s exact opposite is Snooky Serna who went to shop at People R People at the Robinson’s Place Manila noong araw ng presscon for Angelito: Bagong Yugto. 

Snooky bought a striped top and black shoes na isinuot nga niya sa media launch ng soap na pinagbibidahan ni JM de Guzman.

But unlike Rodman, Snooky was very amiable and machika to the other shoppers. Super chika siya sa mga mababait na staff ng boutique at ilang namimili. Hindi niya ipinakitang naiiba siya. Napaka-down to earth nga raw ng kanyang aura.

Balik sa pag-aartista si Snooky for Angelito: Bagong Yugto. As usual ay mother na naman ang kanyang role.

 

MASYADONG PHYSICAL ang taping ng Enchanted Garden lalo na para kay Alex Gonzaga na bawat oras yata ay inaapi ng character ni Gladys Reyes.

“Nagagalit si Direk Joel kapag hindi totoo ang sabunot. Nagagalit siya kapag hindi maganda ang sabunot ni Meg (character ni Gladys Reyes). So bumaba si Direk Joel sa OB Van, ipinakita niya kay Meg ang pagsabunot. Noong panahon na ‘yon ay jine-jetlag ako, nagising tuloy ako. Inaantok ako tapos sinabunutan ako ni Direk Joel,” kuwento ni Alex.

“Si Ate Gladys, wala namang instructions na sabunutan ako, sinabunutan at saka sinampal ako. Sabi niya, ‘pasensiya ka na, ha, Alex? Ayokong mapagalitan, eh, kaya binigay ko na’.”

Kilalang terror si Direk Joel Lamangan at gusto nito’y realistic ang bawat eksena.

“Ano pa lang, sigaw-sigaw pa lang niya (ang nakikita ko). Nakakatuwa siya. Right after naman ng tape, ang bait na niya. Ginagawa lang niya iyon sa ikagaganda ng eksena.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING