Dennis Padilla, wala nang paki sa anak na si Julia Barretto

ADVERTISING

Dennis Padilla, wala nang paki sa anak na si Julia Barretto

Dennis-Padilla-Julia-BarrettoBINIBIGYANG-LAYA NA ni Dennis Padilla ang anak si Julia Barretto na gamitin ang anumang apelyido na gusto nito.

Kinumpirma ni Dennis na iniurong na niya ang isinampang Motion To Intervene noon para tutulan ang petisyon ng anak na palitan ang apelyido nito at gawing Barretto sa halip na Baldivia, surname ng ama.

Ayon kay Dennis last September 18 pa raw niya inurong ang kanyang petisyon dahil 18 years old na anak at may karapatan nang pumili kung anong gusto niyang gamitin family name.

“Kasi before noong debut, ‘di ba, sabi ni Julia, iwi-withdraw niya ‘yung petition niya na tanggalin ang family name ko and that was March. After 6 months wala namang withdrawal na nangyari. So, ako na lang ang nag-withdraw. Kasi number one, kahit manalo ako, kunwari nanalo ako na dapat pa rin niyang gamitin ang family name ko, eh 18 na siya, eh. She can still remove it. Kasi karapatan na ng 18 years old, dahil adult na siya, na magpalit ng family name,” paliwanag ni Dennis.

ADVERTISING

Kaya lang daw siya nag-oppose noon dahil minor pa lang si Julia. Sixteen years old pa lang that time ang kanyang anak. Kaya ang on-going case daw niya ngayon ay isa na lang, ‘yung pangalawang anak niya kay Marjorie Barretto na si Claudia na 16 years old pa lang ngayon.

“May balita ako na idinismis na ng judge ‘yung kaso ni Claudia, so ang hahabulin ko na lang, makakuha ako ng dismissal copy para maipakita ko sa eskuwelahan ni Claudia sa Everest International School na ibalik ang Baldivia sa apelyido ni Claudia. Kasi right now, they changed their family name to Barretto. Kaya nung graduation day ni Claudia sa Everest , which was I was not invited, pero I was able to know na mayroong graduation, so naka-attend ako by surprise. Kasi ‘yung isa sa magulang nung kaklase, kakilala ko. So, nagmagandang-loob na sabihin sa akin na, “Dennis puntahan mo,” tsika pa ni Dennis.

Doon nga raw niya nalaman na Barretto na ang ginagamit na surname ni Claudia. Nasaktan daw siya kaya hindi niya tinapos ang graduation, dahil lalo lang daw sasama ang loob niya kapag tinawag on stage ang anak sa pangalang Claudia Barretto na dapat ay Claudia Baldivia.

Inamin ni Dennis na hindi niya alam kung paano susustentuhan ang mga anak kay Marjorie at hindi raw niya nahihiram ang mga anak.

Sa tanong kay Dennis, kung bakit ganoon ang relasyon niya sa mga anak, hindi raw niya alam. Pero kaagad na sinabi na ang disadvantage daw siguro kapag walang masyadong pera ang isang ama.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING