Dennis Padilla, may laban sa mag-inang Marjorie Barretto at Julia Barretto

ADVERTISING

Dennis Padilla, may laban sa mag-inang Marjorie Barretto  at Julia Barretto

Dennis-PadillaTULAD NG mga pagkaing rich in transfat or cholesterol, for now, let’s literally scrape off sa showbiz ang nakauumay at paulit-ulit na isyu involving Claudine Barretto and her cheap, pathetic stunts.

Lately, the spotlight has been snatched by Claudine’s niece Julia who, according to her camp’s lawyer, has decided to have her registered name Baldivia (her father Dennis Padilla’s real name) stricken off in all her official and legal documents.

But the public seems sympathetic towards Dennis lalo’t umani ng batikos sa parte ni Julia Barretto ang guesting ng kanyang ama sa Startalk nitong July 12.

The cyber critics were at it again.

ADVERTISING

Like a farmer who sowed a bad seed, Julia also reaped what grew out of it: lahat ng mga negatibong reaksiyon from parents and children alike.

Worse, umabot na ‘yon sa pagkukumpara kina Dennis at Marjorie Barretto as the rightful and deserving parent to Julia.

Now, the object of social media bashing has shifted from Julia to Marjorie!

Daig pa pala ng mga netizens na ito kaming mga showbiz reporters o gossip writers. Without naming names, mas pinapaboran nila si Dennis sa isyung ito dahil umano sa pagkakaroon ng illicit affair ni Marjorie.

With whom, huwag na tayong mag-enrol pare-pareho sa “Maang-maangan School of Acting,” ‘no!

Sa ngayon, nasa London ang mag-inang Marjorie at Julia amidst all this brouhaha. Ayaw naming isipin na sinadya ng mag-ina ang planong bakasyon para makaiwas sa paghaharap-harap nila ni Dennis na iniskedyul na ng Star Magic aimed to resolve their family conflict.

Habang sinusulat din namin ito, hindi pa naaaprubahan ng korte ang hiling ni Marjorie na ipatupad ang gag order.

As it is now, ang mas inaabangan namin ay ang pagdating ng mag-ina from London: like its bridge that’s falling down—ayon sa isang nursery rhyme—bumagsak din kaya ang kasong ipinaglalaban ni Marjorie para sa anak?

In Dennis’s words, mukhang may laban daw siya sa kanyang ipinaglalaban, that is, ang gamitin pa rin ni Julia ang apelyidong Baldevia whatever it takes.

 

SAMANTALA, INAANAK pala ni Joey de Leon si Julia.

“Basta wala akong kinakampihan kina Pareng Dennis at Mareng Marjorie,” this after Tito Joey saw part of Dennis’s live guesting on Startalk sa July 12 episode nito, partikular ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ng komedyante.

Wala kasi si JDL nu’ng guesting na ‘yon ng kumpare.

Pero suhestiyon niya, “Dapat siguro ‘pag nasa hustong gulang na si Julia, let her decide kung kanino talagang apelyido ang gusto niyang gamitin. Disisais anyos pa lang bata, too young to understand kung ano’ng isyu sa pagitan ng kanyang mga magulang.”

Isasaboses din namin uli ang katuwiran ng kapatid ni Dennis na si Gene, “ang naiipit kasi dito, eh, ‘yung bata.” Na sinang-ayunan ng isang anak ng komedyante from his previous marriage na si Luis, “The issue is between the parents, so there’s no need para madamay ang anak.”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING