Dennis Padilla at Marjorie Barretto, maghaharap sa korte

ADVERTISING

Dennis Padilla at Marjorie Barretto, maghaharap sa korte

Marjorie-Barretto-Dennis-PadillaBAKA MAGKITA ngayong araw ang dating mag-asawang Dennis Padilla at Marjorie Barretto sa hearing ng kaso nila sa Quezon City Regional Trial Court.

Kung matutuloy, didinggin ang Motion to Relief from Judgment na isinumite ni Dennis kaugnay sa change of name na petition ng anak nilang si Claudia.

Sabi kasi ni Dennis, kahit na anong mangyari, ipaglalaban daw niya ang pangalan niya sa kanyang mga anak. Kaya lahat ng paraan ay gagawin niya para maipaglaban lang daw niya.

Kung ano man daw ang desisyn ng korte ay igagalang niya at kung pabor ito sa kampo ni Marjorie, irerespeto naman daw niya.

ADVERTISING

Kailangan daw na dumalo ni Marjorie sa hearing na ‘yun na naka-schedule ngayong umaga. Siyempre nandun ‘yan si Dennis kaya magkikita sila roon.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas para malaman n’yo kung ano ang mga eksenang mangyayari.

Hay, naku! Hindi na talaga nawawalan ng isyu at kontrobersya ang mga Barretto.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING