Dennis Padilla, ipaglalaban ang karapatan kay Julia Barretto

ADVERTISING

Dennis Padilla, ipaglalaban ang karapatan kay Julia Barretto

Dennis PadillaTHANKS TO his well-placed connections at a family court in QC, may nakapag-tip kasi kay Dennis Padilla na may petisyong inihain si Marjorie Barretto para sa change of name ng kanilang anak na si Julia from Baldivia (the actor’s real surname na gamit ng batang aktres from her birth certificate to her school records) to Barretto.

Ayon kay Dennis, August 2013 pa nang i-file ang naturang petisyon, but it was only in June this year when he learned about it.

May ng taon ding ito when Marjorie was asked by Startalk to comment on the change of name, but she declined, ayon na rin sa pakiusap ng kanyang abogadong si Atty. Lorna Kapunan.

Upon discovery, Dennis immediately filed a motion to intrvene na layong i-contest ang nais mangyari ni Marjorie. Bagama’t the actor looks at the issue from a realistic perspective (eventually, Julia will assume a different name once married), his family and friends are egging him on to fight the case in court.

ADVERTISING

“Unang-una, ang ginamit na basis ni Marjorie, eh, ‘yung lumang Family Code. Sa bagong batas, whether both parents, the child is considered legitimate. And as long as the mother acknowledges the child’s father, walang problema kaya ilalaban ko ‘to,” off-camera na sabi ni Dennis sa amin.

 

NASULYAPAN NA last week ang magiging papel ng Bad Boy of Philippine Movies na si Robin Padilla sa Jasmine.

Mapapanood na ng loyal viewers ng love mystery drama series na ito si Binoe bilang Jacinto, matalik na kaibigan ni Inspector Ramirez (Matthew Padilla) at siyang mentor nito sa pagkapulis. Robin’s exposure is expected to heighten the viewers’ interest lalo’t week after week ay hitik na hitik ito sa mga makapigil-hiningang tagpo.

Samantala, malalagay sa peligro ang buhay ni Jasmine sa kanyang pagpayag na makipagtulungan sa pulisya para matunton si Maskara at masagip si Miguel (Gerard Sison). Dahil dito, mababahala sa kanya si Alexis (Vin Abrenica) na siya ring ikapapahamak ng aktor.

Patuloy naman ang ginagawang pagpapahirap ni Maskara kay Miguel. Gaano ba kasama si Maskara? Matutulungan ba ni Jasmine ang pulisya na maisalba si Miguel? At anong mga panibagong kuwento ang dala ni Jacinto?

Tutukan si Jasmine tuwing Linggo, alas-singko ng hapon sa TV5.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING