Dennis Padilla, hinihintay pa rin ang pag-atras ni Julia Barretto sa petisyon

Dennis Padilla, hinihintay pa rin ang pag-atras ni Julia Barretto sa petisyon

Dennis-Padilla-Julia-BarrettoNAKU! NEXT week na pala ang hearing ng Petition to Change Name ni Julia Barretto. Wala pa rin silang pahayag kung itutuloy pa ba nila. Kasi ang sabi ng abogado ni Dennis Padilla, naghihintay lang sila ng order o motion ba ‘yun mula sa kampo ni Julia.

Kasi nagsalita na si Julia na wala na siyang balak na magpalit ng apelyido kaya dapat na idaan sa legal na proseso, ‘di ba?

Sabi kasi ng abogado ni Dennis, kung meron silang motion na hindi na nila itutuloy, hindi na rin nila itutuloy ang Motion to Intervene.

Sa March 27 na ang hearing, kaya hintayin kung darating doon si Julia para iatras na ang petition na isinumite niya. Malamang na darating din doon si Dennis.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis