Dennis Padilla, gusto protektahan ang anak na si Julia Barretto

ADVERTISING

Dennis Padilla, gusto protektahan ang anak na si Julia Barretto

Dennis Padilla, gusto protektahan ang anak na si Julia Barretto
Dennis Padilla with daughter Julia Barretto

PINAGHANDAAN talaga ng komedyanteng si Dennis Padilla ang pagharap niya sa media sa nakaraang media conference para sa pelikula nilang “orig” na mga gamol na sina Andrew E. at Janno Gibbs na Sanggano, Sanggago’t Sangwapo na dinirek ni Al Tantay para sa Viva Films.

ADVERTISING

First time niya kasi makakaharap ang media after weeks ng “pag-iwas” mag-komento sa isyu na kinasasangkutan ng dalaga niya na si Julia Barretto at Gerald Anderson.

Nakatsika namin siya saglit sa harap ng venue bago siya pumasok sa mediacon area.

Straight to the point sabi niya sa amin : “Sigurado ako na may itatanong ka na personal sa akin…” na sinundan niya ng ngiti at tapik sa balikat ko.

ADVERTISING

Noong una, daming pasakalye at patawa ni Dennis sa unang tanong sa kanya tungkol sa Gerald-Julia issue. Idinaan niya sa biro na inayudahan naman nina Andrew E. at Janno. Naging comedy skit tuloy ang eksena bago nagseryoso si Dennis sa kanyang sagot sa tanong.

Nilinaw at inamin niya na nagtext siya kay Gerald para makausap niya. “Kasi nung lumabas yung issue, nag-text lang ako, ‘tapos tumawag siya (Gerald) at kinausap ko. Nakausap ko siya, ni-remind ko lang sa kanya, ‘Pare, anak ko ‘yan. So, siguro alam niya ang lalim noon, di ba, lalaki naman.”

Sa tsikahan with the comedian, inamin ni Dennis na naiintidihan niya ang sitwasyon ng binata.

Dennis Padilla, gusto protektahan ang anak na si Julia Barretto
Dennis Padilla, Janno Gibbs and Andrew E.

Sa katunayan ay may lumabas na tsika na may threat diumano siya sa aktor na pinasubalian ito ng komedyante.

“Ang akin lang, basta huwag maagrabyado yung anak ko. Kasi ang tingin ng tao sa kanya, e, playboy. Basta ang importante lang sa ‘kin, yung kapakanan ng aking anak.”

Word of advice ni Dennis kay Julia ay magpahinga muna sa social media dahil isa ito sa nagpapasama ng loob sa anak sa mga komento ng publiko, lalo na ng mga bashers. “Sabi ko, pahinga ka na muna sa social media. Mas maganda, magbakasyon ka na muna. Kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaano busy, lumayo ka na muna sa social media. Antayin mo na lang mag-die down kung ano yung issue.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING