Dennis Padilla, ginamit lang ng anak na si Julia Barretto

ADVERTISING

Dennis Padilla, ginamit lang ng anak na si Julia Barretto

Julia-Barretto-Dennis-PadillaNASAPAWAN NA nga ng mga bagong bini-build-up na mga young actresses ng Kapamilya network si Julia Barretto. Isa sa nakikitang dahilan kaya hindi umangat ang kasikatan ng young actress ay dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa kanyang ama na si Dennis Padilla.

Ipinaglaban ni Dennis ang kanyang parental right na hindi mapalitan ang name ni Julia na Julia Baldivia sa tunay na buhay. Gusto kasi ng young actress na gamitin na lang na apelyido ay Barretto.

Tila napagod na raw si Dennis sa pakikipaglaban sa korte kaya nang humarap daw ito kamakailan sa judge ay nag-withdraw na siya ng kanyang petition.

Napagtanto raw ni Dennis na kung sakaling manalo siya, hindi pa rin niya makasasama ang anak na si Julia, dahil tila lumayo na raw ang damdamin nito sa kanya. Makailang beses na raw tinangka ni Dennis na makausap si Julia at lahat ng paraan ay kanyang ginawa, pero dedma lang daw ang anak.

ADVERTISING

Ngayon lang daw napagtanto ni Dennis na ginamit lang siya ng anak noong nakaraang debut nito para gumanda muli ang naging negative image ni Julia.

Kung talaga raw na mahal din ni Julia ang ama ay ito na ang gagawa ng paraan para sila magkita at magkausap. Hindi ‘yung ang anak pa raw ang nagmamalaki.

Kahit na sabihin na may nagawang kasalanan o pagkakamali si Dennis sa kanila, ama pa rin niya ito na dapat na igalang. Unless na talagang karumal-dumal ang ginawang kasalan ng ama sa kanyang anak.

Kaya huwag magtaka kung mapansin na hindi umangat ang popularidad ng young actress. Ang ginawa niyang teleserye at pelikula ay hindi nag-klik. Mas umagat pa ang kasikatan ng mga nakasama niya kaysa sa kanya.

Sayang at very promising pa naman siya noong nagsisimula. Pero dahil sa naging trato at pagtingin niya sa kanyang ama, naging nega na sa kanya ang karamihan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING