Dennis Padilla, ‘di pera ang habol sa anak na si Julia Barretto

Dennis Padilla, ‘di pera ang habol sa anak na si Julia Barretto

Julia-Barretto-Dennis-Padilla“‘DI PERA mo ang habol ko!”

Not necessarily constructed in this sentence, ito ang bottomline ng patuloy na pagsusumamo ni Dennis Padilla sa kanyang anak na si Julia para iurong na nito ang petisyong hayaan ng korteng gamitin niya ang apelyidong Barretto, at i-drop ang Baldivia na apelyido ng ama.

Asang-asa kasi si Dennis na nitong hearing uli sa Quezon City RTC last August 14 ay madedesisyunan na ng hukuman ang kanyang intervention, since ang kumatawan sa inihaing petisyon ni Julia—then a minor—was her mom Marjorie Barretto.

Wala si Julia, now 18 and of legal age, noong Biyernes.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa September 18.

Why Dennis is still clinging to the hope na iuurong ni Julia ang petisyon nito ay batay sa kanyang pagsipot sa mismong debut nito last March. The actor cited his dialogue with Marjorie’s lawyer, si Atty. Lorna Kapunan, na nagsabi pa raw sa kanya na magandang simulain ang nakikita niyang pag-aayos ng mag-ama.

Ayon sa abogado ni Dennis, baka makabuti raw ang next scheduled hearing para kay Julia para makapag-isip ito.

Dennis, however, keeps an open mind. Kung sakali raw na gustuhin ni Julia na gamitin ang Barretto, hindi niya ‘yon iko-contest.

Proving to all and sundry na hindi pera ng anak ang kanyang habol, “Nakakakain pa naman ako three times a day. Naka-aircon pa rin naman ang kuwarto ko.”

No-show si Julia sa nakaraang hearing… teka, literally “no show” as in wala rin namang show si Julia sa ABS-CBN, ‘di ba? Wala na nga rin siyang career to speak of, does she?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III