Dennis at Anne, malakas ang chemistry sa “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?”

ADVERTISING

Dennis at Anne, malakas ang chemistry sa “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?”

Dennis Trillo, Anne Curtis, and Paolo Ballesteros
Dennis Trillo, Anne Curtis, and Paolo Ballesteros

Consistent talaga sa pagiging magaling na actor si Dennis Trillo. Muli niya itong ipinakita sa pelikulang “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?” na kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan.

Kumbaga, pinanday na ng panahon ang husay ni Dennis sa pag-arte at kahit sa simpleng mga eksena sa pelikula ay kitang-kita  ito. Napansin din namin na bagay sila ni Anne Curtis. They look good together at maganda ang kanilang chemistry.

First time nag-partner nina Anne at Dennis sa pelikula at hindi na kami nagtataka kung posibleng masundan pa ito dahil sa kanilang malakas na chemistry.

Samantala, katulad ng palaging sinasabi ni Dennis, flattered siya na nakatrabaho si Anne sa pelikula na matagal na niyang pangarap. Thankful din siya sa magandang review sa acting niya sa pelikula.

ADVERTISING

Kasama rin nga pala sa pelikula si Paolo Ballesteros.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING