Denise Laurel, nag-alsa balutan na rin sa manager

ADVERTISING

Denise Laurel, nag-alsa balutan na rin sa manager

Denise-LaurelPAGKATAPOS NI Jericho Rosales, bumalik na rin ang Kapamilya star na si Denise Laurel sa Star Magic where she grew up as an actress.
“It made me feel like I’m back to my teenage days where everyone gathers and enjoy each other’s company… everyone is happy to see you,” pahayag ni Denise.
“Everyone is excited to see each other, every moment feels like we’re having a reunion… What’s good about Star Magic is that even you have left, they will never forget you, some of them hindi naman talaga nawala ’yung communication,” dagdag pa niya.
Si Mr. Johnny Manahan ang naka-discover kay Denise noon sa Repertory Philippines hanggang mabigyan siya ng break sa Ang TV 2.
Nagpapasalamat naman si Denise sa dati niyang manager na pinayagan siyang bumalik sa Star Magic.
“I will forever be grateful for what he (Arnold Vegafria) has done for me and for respecting my decision to go back,” pagbabahagi pa ni Denise.
When it comes to the projects lined up for her, Denise does not expect anything yet but trust her home network for what are in store for her.
Naniniwala si Denise na kahit isa na siyang mom ay kaya pa rin niyang maging flexible sa roles na ibibigay sa kanya.
Gusto ring balikan ni Denise ang teatro.
“When it comes to theater kasi, it demands to have daily rehearsal so as teleseryes that require heavy shooting days, but given the chance I would love to go back from singing and dancing…”
Magkakaroon ng bagong teleserye si Denise sa ABS-CBN kasama ang isa pang Star Magic artist na si Vina Morales.
“I’m overwhelmed to be working with her and doing for the first time the role of ‘the other woman’ sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.”
Kakaiba raw ito sa previous projects niyang Precious Hearts Romances: Pintada and Paraiso at Annaliza.
Before her comeback teleserye, Denise’s previous show Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom has started its rerun in ABS-CBN’s Throwback sa Umaga.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING