Deniece, nagpiyansa para ‘di maaresto Hot Topic

ADVERTISING

Denise-CornejoNAGPIYANSA SI Deniece Cornejo para sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya kaugnay ng pambubugbog sa comedian-TV host ng grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Sa report, nagpunta si Deniece sa Taguig Metropolitan Trial Court kahapon ng umaga, April 16, para bayaran ang piyansang P12,000.

Biyernes, April 11, nang mag-isyu ang Taguig MTC ng warrant of arrest para sa kasong grave coercion na kinahaharap ng grupo nina Deniece at Cedric.

Kabilang sa mga ipinaaaesto sina Bernice Lee, Simeon “Zimmer” Raz Jr., Sahed “Jed” Fernandez Abuhijleh, “Jose Paolo “JP” Calma, at Ferdinand Guerrero.

Lunes naman nang magtungo si Jed sa Taguig MTC upang magbayad ng piyansa bago pa siya mahainan ng warrant of arrest.

ADVERTISING

Maliban kina Deniece at Jed, hindi pa nakakapagpiyansa ang iba pang respondents sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong.

Inutos ni DOJ Secretary Leila De Lima kahapon na arestuhin na sina Cedric, Bernice, Zimmer, Jed,  JP, at Ferdinand.

 

By Parazzi Reportorial Team

ADVERTISING