Deniece Cornejo, walang bakas ng ginahasa

ADVERTISING

Deniece Cornejo, walang bakas ng ginahasa2 Denice-CornejoKUNG PAGBABASEHAN ang kanyang 10-page sworn affidavit na isinumite na ng kanyang mga abogado sa Taguig Prosecutor’s Office noong Miyerkules (January 29), ang inaasahang kaawa-awang disposisyon ni Deniece Cornejo na umano’y ginahasa ni Vhong Navarro hardly surfaced in her face.

Kuwento ito mismo ng staff ng isang TV program bago sumalang si Deniece Cornejo para sa interbyu, noong araw ring pormal na siyang nagsampa ng kaso.

“Naloka naman kami sa kanya,” simula ng staff, “Nu’ng nagse-set up na kami para sa sit-down interview, sabi niya, ‘O, kailangan maganda ako sa TV, ha?’ ‘Di ba, supposedly, eh, rape victim siya? Wala man lang ba siyang nararamdamang discomfort na finally, haharap siya sa mundo para ikuwento ang istorya niya?”

Hindi pa rin daw roon natapos ang “moment of lunacy” ng staff maging ang mga taong nakapaligid sa shoot na ‘yon. “Nangako si Deniece na haharap para sabihin lang ang totoo, pero tama ba namang sabihin niyang, ‘Siyempre, magsasabi ako ng totoo, pero siyempre, may halong konting drama’? Ano’ng ibig niyang sabihing dapat haluan ng drama ang kanyang paglantad? ‘Yun bang pag-iyak niya na parang naka-cue ‘yung luha niya na any moment, eh, babagsak na ang ibig ba niyang tukuyin? O, ‘yung version niya na ni-rape talaga siya?” tip pa ng staff.

Sa panayam ding ‘yon, naloka ang mismong reporter na nag-iinterview sa kanya. Simple lang ang tanong kung nag-aaral ba si Deniece o nagtatrabaho.

ADVERTISING

Kuwento ng reporter, “Imbes na sagutin niya ‘yung tanong, ang sagot ba naman niya, eh, ‘Puwedeng ang itanong mo na lang, eh, ganito? Huwag na lang ‘yan,’ sige, sabi ko sa kanya, tanong mo, sagutin mo na rin.”

Samantala, mariing itinanggi ni Deniece na may kaugnayan o relasyon sila ni Vhong, o ni Cedric Lee who claimed to have rescued her noong gabi ng insidente. “Kuya” ang parehong tawag niya kina Vhong at Cedric.

At least, consisistent si Deniece. “Kuya” rin kasi ang tawag niya sa lalaking ang alam namin ay lolo niya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING