Deniece Cornejo, susuko na?

ADVERTISING

Deniece Cornejo, susuko na?

Deniece-CornejoPAGKATAPOS MAHULI ng NBI sina Cedric Lee at Zimmer Raz, ang inaabangan ngayon ay ang pagsuko ni Deniece Cornejo at iba pang akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro.

Patuloy na sinusubaybayan ng Startalk ang pagtugis kina Deniece, at ang isa sa contact namin ang bestfriend kong si Tony Calvento.

Bongga naman kasi itong si Tony, lagi siyang nauuna ha?Alam na rin niya kung sino ang mga susunod na susuko kaya join na rin kami sa kanya.

Dapat nu’ng kamakalawa lang susuko na si Jed Fernandez na babaligtad daw, pero hindi ito natuloy.

ADVERTISING

Ang sabi naman ni Tony, si Deniece daw susuko rin. Hindi raw ito magpapahuli, kundi kusa raw itong susuko. Kaya ‘yun ang inaabangan namin.

Kaya tuwing Linggo na lang may kuwento kami tungkol dito sa kaso ni Vhong dahil sa mabilis na pag-usad ng mga pangyayari.

Sabi naman ni Atty. Mallonga nang nakausap namin ito sa Startalk, malaking bagay raw itong pagkahuli kina Cedric dahil mabilis na tatakbo raw ang kaso.

‘Yun naman daw ang hinihintay nila, na meron lang mahuli para mabuo nila ang paglalahad ng mga pangyayari. Sa korte raw dapat ito ilahad ni Vhong, kaya dapat na meron daw talagang mahuli para makaharap itong mga kinasuhan.

Kaya malaki rin ang pasasalamat ni Vhong at ng kampo nito, dahil mabibigyan ng hustisya ang pambubugbog na ginawa sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING