Deniece Cornejo, susuko na?

ADVERTISING

Deniece Cornejo, susuko na?

Deniece-Cornejo MALAPIT NA raw malaglag ang isa sa mga kinasuhan ni Vhong Navarro. Si Deniece Cornejo na kaya ito?

Sinasabi ni Tony Calvento na malapit na raw mahuli o sumuko ang isa sa mga kinasuhan kaya hinatayin na lang natin.

Ang tiyuhin mismo ni Deniece na si Mr. Rod Cornejo ang nagsasabing gusto na niyang sumuko ang pamangkin niya.

Mabuting sumuko na lang daw nang maayos para hindi na lumala pa ang mga pangyayari.

ADVERTISING

Kaya hintayin na lang natin na lalabas sila isa sa mga araw na ito.

Sana bukas kasali na itong kung sino mang susuko para mapasama siya sa preliminary hearing ng kaso nina Vhong.

Magkikita na sila roon nina Cedric Lee kaya bongga, ‘di ba?

Parang teleserye na talaga itong sinusubaybayan ng lahat, at ang daming pagbabagong dumarating.

Kaya tutukan pa rin natin ‘to.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING