Deniece Cornejo, sumuko sa panawagan ng lolo

ADVERTISING

Deniece Cornejo, sumuko sa panawagan ng lolo

1 Deniece-CornejoANG KAANAK na si Rod Cornejo was the first to have taken the cudgels for his niece (or granddaughter?) Deniece nang lumantad itong nireyp umano ni Vhong Navarro.

Sa Startalk nitong Linggo ginawa ni Mr. Cornejo ang panawagang boluntaryo na sanang sumuko ang kamag-anak. At nito ngang kamakalawa, Deniece seemed to have heeded her elderly’s plea.

Base sa panayam kay Atty. Alma Mallonga, kailangang sagutin ni Deniece sa Biyernes (May 9) sa Taguig City Regional Trial Court ang supplemental affidavit na inihain ng kampo ni Vhong. Isinabay na kasi nila ang pagsusumite ng karagdagang dokumento sa arraignment nitong April 30.

For sure, papalagan din ng kampo ni Deniece ang parusang walang piyansa sa kasong serious illegal detention as did Cedric Lee and Zimmer Raz na natuloy kahapon ang pagdinig sa kanilang motion to bail.

ADVERTISING

Accordingly, itatakda rin ang arraignment kay Deniece. At nakikini-kinita na namin ang korte ang maghahain ng “not guilty” plea for her.

Right now, we can only imagine Vhong grinning from ear to ear.

 

ISANG PREMYADONG mamamahayag, isang komedyante, isang TV host at isang dramatic actress ang magtutunggali ngayong Sabado sa Picture! Picture!

Umubra kaya ang tapang sa pagbabalita ni Susan Enriquez, o ng pagpapatawa ni Pekto, o ng trying hard na hosting ni Jojo Alejar o husay sa pagganap ni Yasmien Kurdi to bring home the jackpot prize of half a million pesos?

Initially, the four celebrity contestants take turns in being the team leader hanggang magkakaroon ng laglagan sa unang kickout round, kung saan most of time ay pangungusensiya sa sentensiyador ang gagawin ng tatlong ayaw matsugi.

The pattern goes on hanggang sa ikatlo’t huling kickout round kung saan isa na lang gets the chance to play for the grand prize maliban na lang if he or she wishes to reinstate his or previous opponent in the game via a choice between Selfie and Help Me.

Tiyak na magkakasubukan uli ng galing this Saturday sa original Pinoy picture-aided general knowledge game show hosted Ryan Agoncillo, that airs after GMA weekend news.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING