Deniece Cornejo, sa PNP sumuko dahil sa koneksyon?

ADVERTISING

Deniece Cornejo, sa PNP sumuko dahil sa koneksyon?

Deniece-CornejoSUMUKO NA rin si Deniece Cornejo sa PNP. ‘Yan naman ang hinihintay ng lahat.

ADVERTISING

Tama nga ang sabi ni Tony Calvento nang nakausap ito ng Startalk reporter namin, na malapit nang sumuko ang isa sa mga akusado sa kasong isinampa ni Vhong Navarro.

Ang hula nga ng karamihan si Denice Cornejo ito.

Pagkatapos magbigay ng statement ng lolo ni Deniece na si Mr. Rod Cornejo, ewan ko kung nagkausap sina Rod at Tony para maayos ang pagsuko ni Deniece.

ADVERTISING

Kasi, kung hindi raw ito susuko, inaayos na rin ang pag-aresto sa kanya. Kaya mabuti na ‘yung sumuko siya.
Nagtataka lang kami bakit hindi sa NBI sumuko si Deniece. Ang sabi raw, may kakilala sila sa PNP kaya roon sila nagtitiwala.

Kahapon ang preliminary hearing ng kaso sa Taguig at maghaharap na roon sina Vhong at Cedric Lee.

As of presstime, wala pa akong nakuhang balita tungkol sa nangyari sa kaso. Makikibalita pa ako.

Pero tingin ko riyan, mahuhuli rin silang lahat para tuluy-tuloy na ang hearing sa korte at mabigyan na rin ng hustisya ang ginawang pambubugbog kay Vhong.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING