Deniece Cornejo, pinakakalat na darating ang ama mula sa Amerika para dalawin siya

ADVERTISING

Deniece Cornejo, pinakakalat na darating ang ama mula sa Amerika para dalawin siya

Deniece-CornejoNABALITAAN KONG darating daw ang ama ni Deniece Cornejo galing Amerika para dalawin ang dalaga.

Pinarating ng kampo ni Deniece sa media dahil siguro ipai-interview nila ang Daddy nito, at siyemre baka paawa effect naman sila.

Kaya lang parang napagsawaan na rin ng mga tao ang tungkol sa kasong ‘yan, eh.

At least nakakulong na sila at sabi nga ng kampo ni Vhong Navarro, may mga bago silang ebidensya para lalong magpatibay sa mga kasong isinampa nila.

ADVERTISING

Nagkaroon nga uli ng mediation nu’ng nakaraang Lunes na dinaluhan ni Vhong pero hindi sila hinarap.

Siyempre alangan namang haharapin pa sila ni Vhong para sa posibleng pag-aayos. Malabo naman talaga silang magkaayos, kaya useless lang ang mediation na ‘yan sa kasong Serious Grave Coercion.

Kaya lang nasa proseso ‘yan na dapat sundin kaya dumalo na rin si Vhong, para magpakita lang, pero hindi na humarap sa kanila.

Baka mamaya kung anu-ano na naman ang gawin ng lola ng Deniece na ‘yun.

Tingnan na lang natin kung ano ang drama na naman ng kampo ni Deniece ‘pag dumating ang tatay niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING