Deniece Cornejo, kakaunting simpatiya ang natatanggap

ADVERTISING

Deniece Cornejo, kakaunting simpatiya ang natatanggap

Deniece-CornejoKAHIT PA napakagandang babae ni Deniece Millet Cornejo, ang babaeng pinangalanang naging ugat diumano ng pambubugbog kay Vhong Navarro, nakalalamang pa rin ang simpatiyang natatanggap ng komedyanteng TV host mula sa publiko mula sa pinagdaraanan niya ngayon. Wala pa siyempreng may alam ng mga tunay na pangyayari kung bakit sinapit ni Vhong ang ganu’ng kalupitan, dahil mahirap ding sabihin na siya lang ang tama hangga’t wala pa ang resulta ng imbestigasyon.

Ang mga kapwa artista ni Vhong ay ito ang dapat matutunan: Nakapagtanim siya ng mabuting pakikisama sa kapwa ganu’n din sa kanyang mga tagahanga at iba pang tao sa showbiz na alam niyang dapat bigyan ng atensiyon bilang isang idulo. Nu’ng pumasok kami sa showbiz para magsulat, kasikatan ng grupo nina Vhong, ang Streetboys, at katapat naman nila ang Universal Motion Dancers na talagang pinagkakaguluhan noon sa showbiz.

Noon pa, talagang kapuri-puri na ang kabaitan ng grupong Streetboys, at ang ugaling ‘yan ay taglay pa rin ngayon nina Vhong, Jhong Hilario at ng iba pa nilang kasamahan. Nasaksihan din namin, na ang mga tagahanga nila ay hindi mga chipipay, dahil malakas talaga ang sex appeal ng isang dancer, kaya naman nakagugulat na naggagandahan ang mga fans nina Vhong, Jhong at iba pa nilang kasamahan, kaya sa bintang na rape, hindi nakapagtataka na pagdudahan ang nag-aakusa ng ganu’n kay Vhong. Kasi, totoong-totoo, mga babae na talaga ang nagpaparamdam ng motibo sa isang dancer.  Ang malungkot na lang na dapat abangan sa dulo ng mahabang kuwento ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Vhong, kung may nasagasaan ba talaga siyang karapatan ng ibang tao.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING