Deniece Cornejo, itinangging nagparetoke siya ng mukha

ADVERTISING

Deniece Cornejo, itinangging nagparetoke siya ng mukha

1 Deniece-CornejoLUMALALA NA ang gulo sa pagitan ni Vhong Navarro at nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, huh!

Pagkatapos magsampa ni Vhong ng patung-patong na kaso laban kina Deniece, Cedric at iba pa nilang kasama, si Deniece naman ang nagdemanda nu’ng kamakalawa lang ng kasong Rape laban kay Vhong.

Kaya lang parang mas umaayon sa mga kuwento ni Vhong base sa lumabas sa CCTV.

Pero sabi naman daw ng abogado ni Deniece na si Atty. Connie Aquino, may inconsistencies naman daw ang mga pahayag ni Vhong kung pagbasehan din ang lumabas sa CCTV.

ADVERTISING

Kaya lang kahit anong sabihin pa nila, masa marami ang kumakampi at naniniwala kay Vhong.

Pero sabi naman ng isa pa nilang abogado na si Atty. Howard Calleja, mas maniniwala raw sila sa desisyon ng korte, hindi sa korte ng tao. Eh, ‘di tingnan na lang natin kung saan ito hahantong.

Ang dami na tuloy na nakakalkal na isyu, gaya nu’ng pambubugbog kay David Buenavacks, ang sex video ni Hayden Kho at pati tuloy ang kay Vina Morales.

Pati ang mga dating litrato ni Deniece na ang layo na sa itsura niya ngayon.

Pero tinanong ng Startalk si Deniece kung nagparetoke ba ito, itinanggi niya. Malaki lang daw ang improvement sa mukha niya sa pagdaan ng mga taon, pero wala raw siyang pinaopera.

Ay, ewan! Basta ang concern lang naman namin dito, dapat na mabigyan ng hustisya itong ginawa kay Vhong.

Abangan n’yo ang kabuuan ng kuwentong ito sa Startalk dahil meron kaming exclusive interview kay Deniece at sa mga abogado niya.

Pero sa ngayon, sinusubukan pa rin naming ma-interview si Vhong para meron kaming dalawang panig ng kuwento.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING